^

Punto Mo

Bilang ng pulis na nais magpabakuna, tumataas! – Eleazar

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

PANGUNGUNAHAN ng mga heneral ang 219,000-strong Philippine National Police (PNP) sa pagbabakuna kontra COVID-19. Sinabi ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang PNP Deputy Chief for Administration (DCA) na tumataas na ang bilang ng mga pulis na pumayag na magpabakuna kapag dumating na ang mga vaccine sa bansa.

Itong mga pulis kasi natin mga kosa ay masasabing frontliners laban sa COVID dahil sila ang nagpapasaayos ng mga datos ng health protocols ng gobyerno ni President Digong sa buong kapuluan. Get’s n’yo mga kosa? Sa isang okasyon ni PNP chief Gen. Debold Sinas sa Camp Crame, tinanong ang lahat ng dumalong heneral kung payag silang magpabakuna kontra COVID at lahat naman sila ay tumango, di ba kosang Alfred Dalizon Sir?

Kabilang sa mga pumayag ay sina Eleazar, Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, ang PNP Deputy Chief for Operations (DCO) at iba pang miyembro ng Command Group at hepe ng Support Units na dumalo sa okasyon. Kung sabagay, ilang heneral na rin ang napaulat na tinamaan ng virus at sa awa ng Maykapal ay gumaling sila. Maging si Interior Sec. Eduardo Año ay kasalukuyang nagpapahinga matapos ilang beses na mahawa ng virus. Araguuyyyyy! Kaya sa mga kosa kong pulis diyan, mag-ingat dahil hindi nakikita ang kalaban. Mismooooo!

Sinabi ni Eleazar na nagsasagawa sila ng survey kung ano ang reaction ng hanay nila sa pagbabakuna vs COVID at sa ngayon ay 63 percent na ang sumang-ayon kumpara sa 51 porsiyento sa nakalipas nilang survey. Ginamit ng PNP ang tinatawag na Computerized COVID-19 Data Application (CODA) para alamin ang saloobin ng rank-and-file nila sa pagbabakuna at magbigay sila ng kaukulang rason, ani Eleazar.

Idinagdag pa ni Eleazar na hindi nila pipilitin ang mga pulis na ayaw magpabakuna, subalit kumpiyansa siya na papayag ang mga ito kinalaunan kapag matanto nila ang kahalagahan ng vaccine hindi lang para sa sarili nila, kundi maging sa kani-kanilang pamilya. Si Eleazar na hepe din ng Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOFT) ay nag-utos na itaas pa ang kanilang information drive para ang mga nagdududang mga pulis ay ma-educate lalo tungkol sa vaccination program ng gobyerno ni President Digong.

Gamit ang CODA, ipakakalat ng ASCOFT ang mga videos, fact sheets at iba pang datos ng Department of Health at iba pang health experts para magiyahan ang mga pulis sa tamang benefits ng bakuna. “Some of our personnel are really hesitant to avail of the COVID-19 vaccine and we attribute it to the deluge of information that they would read or see especially in the social media. But as our health experts always say, vaccination far outweigh the potential risks and claims of danger,” ani Eleazar. “So what we do now is to persuade them or convince them to be vaccinated. But we would like to clarify that we are not forcing them, we are just trying to explain everything to them,” ang dagdag pa n’ya. Hak hak hak! Saan ka pa?

Talagang ibinuhos na nina Sinas, Eleazar at Binag ang kanilang kakayahan para pangalagaan ang kalusugan ng ating mga pulis, di ba mga kosa? Mula noong Marso, halos 10,833 na mga pulis ang dinapuan ng virus at 10,342 ang nakarekober na. May 31 pulis ang natigok kaya nasa tamang landas lang ang liderato ng PNP natin na pabakunahan ang mga tauhan nila. Abangan!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with