^

Punto Mo

Online sabong, sinisi sa pagbaba ng kita ng PCSO!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

PARA kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, ang paboritong libangan ng mga sabungerong Pinoy na online sabong ay ilegal. Inamin din ni Garma na malaking papel ang ginampanan ng online sabong para bumaba ang sales ng gaming products ng PCSO, tulad ng lotto. Ipinaliwanag ni Garma na maaring may mga permits itong sabong na inisyu ng LGUs subalit dapat ang laro ay dun lamang naka-confine sa bayan o munisipyo na nag-isyu nito. Subalit kapag ginamitan na ito ng online betting sa labas ng lugar na nag-isyu ng permit, aba ilegal na ito, ang pahayag ni Garma. Alam ni Garma ang sinasabi dahil dati siyang police colonel at hepe ng Cebu City police bago piliin ni President Digong na mamuno ng PCSO noong 2019.

“Ang pagkakaalam ko lang diyan sa larong ‘yan, legal ‘yung sabungan, they got permits sa LGU to make (hold) the sabong. But to make it online ang gaming and outside the municipa-lity ‘yung nakaka-bet, that makes it illegal gambling,” ang giit pa ni Garma. Araguuyyyy! Hak hak hak! Dapat na talagang masupil ang online sabong kung saan ang mga operators ay nag-aaway-away na dahil sa bilyones na kita, di ba mga kosa? Boom panes!

Sinabi ni Garma na kahit may ilang buwan nang lockdown dahil sa COVID-19, nakuha pa ng PCSO na kumita ng P18.63 bilyon noong 2020. Subalit mababa ito ng 57 percent kumpara sa kita ng ahensiya na P44 bilyon noong 2019. Nang tanungin kung anu-ano ang mga dahilan kung bakit bumaba ang kita ng PCSO, inamin ni Garma na ang isa rito ay ang online sabong. Kaya nananawagan si Garma sa mga gambling afficionado na tumaya sa gaming products ng PCSO dahil malaki ang tsansa nilang maging milyonaryo hindi tulad sa online sabong na dodoblehin lang ang taya mo at malaki pa ang tsansa na madaya sila.

«Yes, definitely affected ang sales namin. Kaya nga ako nananawagan eh, individually sa lahat ng mahilig magsugal or magtaya ng online, tanungin niyo muna ang sarili niyo: Saan mapupunta ang taya ko? Ganun lang?,» ayon pa kay Garma. Hindi lang ‘yan! Sa bawat taya ng mga gambling afficionado sa gaming products ng PCSO, nakakatulong pa sila sa mga Pinoy na may sakit di tulad sa online sabong na ang binobondat lang ng mga mananaya ay ang tiyan at bulsa ng mga management nito. Araguuyyyy!

Ipinaliwanag din ni Garma na walang police powers ang PCSO para habulin itong online sabong dahil trabaho ito ng Philippine National Police (PNP) o ng National Bureau of Investigation (NBI). Araguuyyyy! Hak hak hak! Kaya kayang banggain ng PNP at NBI itong mga bigtime gambling lords na sina Atong Ang ng Pitmaster Cup at Bong Pineda ng Sabong Express na nasa likod ng online sabong? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Komonti man ang kita ng PCSO, aba full blast pa din naman si Garma sa pagtulong sa mga mahihirap na Pinoy na may sakit. Sa totoo lang, nag-release ang PCSO ng kabuuang P1.814 bilyon bilang medical assistance sa umabot 250,850 beneficiaries sa buong bansa ng nakalipas na taon. Malaking parte ng inilabas na pondo o P524 milyon ay bilang calamity fund para sa biktima ng Taal Volcano eruption, mga tumamang bagyo na Quinta, Rolly at Ulysses at siyempre sa mga biktima ng COVID-19. Hehehe! Namigay din ng mga sasakyan ang PCSO at marami pa silang tinulungan kaya lang kinapos ako ng espasyo. Abangan!  

 

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with