^

Punto Mo

EDITORYAL - Philippines, pang-115 sa mga bansang korap

Pang-masa
EDITORYAL - Philippines, pang-115 sa mga bansang korap

MULA sa 113 spot noong 2019, napunta sa pang-115 ang Pilipinas noong nakaraang taon sa may 180 bansang sinuri ang kalagayan kaugnay sa korapsiyon. Ayon sa Transparency International batay sa kanilang 2020 Corruption Perception Index (CPI), nananatili pa ring bigo ang Pilipinas sa paglaban sa katiwalian. Mula umano 2012 ay naging mabagal ang pamahalaan sa pagkilos laban sa korapsiyon. Nakita rin sa report ang kahinaan ng pamahalaan sa pagtugon laban sa pandemia. Marami rin umanong nakitang paglabag ang pamahalaan sa karapatang pantao ganundin sa kalayaan sa pamamahayag. 

Ayon sa CPI, kasama ng Pilipinas sa 115 spot ang Moldova. Nangunguna naman ang Denmark at New Zealand sa mga bansang walang korapsiyon samantalang pinakatalamak sa South Sudan at Somalia.

Kulang pa ang ginagawa ng pamahalaan para masugpo ang korapsiyon. Nararapat pang doblehin ng Duterte administration ang pagsisikap para ganap na madurog ang mga kurakot sa tanggapan ng pamahalaan. Maraming corrupt sa DPWH, BIR, Bureau of Customs, Bureau of Immigration at iba pang tanggapan.

Sabi ng Presidente noon, makaamoy lamang siya ng singaw ng korapsiyon sa isang tanggapan, sisibakin agad niya sa puwesto ang opisyal doon. Wala nang tanung-tanong pa. Kaya nga ang payo niya sa mga inaakusahan, magbitiw na bago pa niya ipahiya.

Totoong marami na siyang sinibak sa puwesto pero patuloy pa rin ang korapsiyon sa mga tanggapan. Hindi pa rin mapahinto. Isa sa nakikitang dahilan ay ang pag-recycle niya sa mga government official na kanyang sinibak. Inilalagay muli niya sa puwesto ang mga sinibak. Halimbawa ay si dating Customs chief Nicanor Faeldon na matapos niyang sibakin ay nilagay naman niya sa Bureau of Corrections subalit doon naman gumawa ng kabulastugan hanggang sa tuluyan na niyang sibakin.

Dapat kapag inalis na sa puwesto, huwag na niyang ibabalik pa para hindi na makagawa pa uli ng kasalanan. Dahil sa pag-recycle, lalong lumulubha ang korapsiyon.

Ipinangako ng Presidente na bago siya bumaba sa 2022 ay sisikapin niyang malinis sa korapsiyon ang lahat ng tanggapan. Sana, mangyari ang kanyang mga sinabi. Matagal nang inaasam ng mamamayan na mawala ang katiwalian sa pamahalaan.

vuukle comment

CORRUPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with