^

Punto Mo

12 magkakapatid, pasok sa Guinness Records dahil sa kanilang edad

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pamilyang binubuo ng 12 magkakapatid ang nakasama sa Guinness World Records dahil kapag pinagsama-sama ang kanilang mga edad ay aabot ito ng 1,042 taon at 315 araw.

Dahil dito, iginawad ng Guinness ang world record para sa pinakamalaking bilang ng pinagsama-samang edad ng  magkakapatid na buhay pa sa pamilya D’Cruz noong nakaraang Disyembre 15.

Natuwa naman ang magkakapatid sa pagkilala ng Guinness. Bukod sa lahat daw ay masaya sila at kumpleto pa kahit na ang mga edad nila nag­lalaro mula 75 hanggang 97 anyos.

Sinusubukan ng magkakapatid na magkita-kita taun-taon kahit kalat-kalat na sila sa United States, Canada, at Switzerland.

Ngayong may pande-mic, nagkasya na muna sila sa araw-araw na video calls.

 

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with