^

Punto Mo

General Sinas, buwagin mo ang ‘kotong cops’ sa Divisoria!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HAPPY New Year mga kosa!

Bagong taon na subalit hindi naman nagbago ang estilo ng mga pulis na nangongotong sa mga vendors sa Divisoria. Hindi makapalag ang mga vendors, at maging ang mga opisyales ng Station 2 ng Manila Police District (MPD), dahil bukambibig ng grupo ang pangalan ni Manila Mayor Francisco Domagoso.

Kaya tama lang ang puna ni kosang Rajak Paktil na wala namang nagbago sa Maynila, lalo na sa Divisoria, sa liderato ni Mayor Domagoso. Ang nagbago lang ay ang mga mukha ng mga pulis na nagpapahirap sa mga vendors sa panahon ng holiday season at pandemya. Panay saludo ng mga Pinoy sa paglilinis ni Mayor Domagoso sa Divisoria noong bagong upo siya subalit pakitang tao lang pala ito dahil kinalaunan ay bumalik din sa dating gawi, di ba kosang Rajak?

Nagyabang pa si Mayor Domagoso noon na kapag bumalik ang mga vendors sa Divisoria ay ibig sabihin kumikita na s’ya ng P5 milyon kada araw. Araguuyyyy! Hak hak hak! Kayo na mga kosa ang sumagot sa katanungan na ‘yan dahil makikita naman n’yo sa social media ang sobrang kapal ng tao sa Divisoria.

Ang itinuturo ng mga vendors na nasa likod ng malawakang tong collection sa Divisoria, lalo na mula sa Ylaya hanggang sa simbahan ng Tondo, ay itong si Sgt. Gerry Tubera, ang chief security ni Mayor Domagoso. Binansagan ng mga vendors si Tubera na “Mr. Lacoste”dahil kapag nakuha na niya ang lingguhang payola ay diretso kaagad ito sa mall para bumili ng t-shirt na Lacoste. How lucky sa Chinatown si Sgt. Tubera ‘no mga kosa? Get’s mo Mayor Domagoso Sir?

Ang enkargado ni Tubera mula Ylaya hanggang sa Simbahan sa Tondo ay isang alyas Jhay Rueda at iba pa para kay Kap Shada na dating bata ni ex-mayor Erap Estrada. Ang mga alipores nila ay sina Gerry Arante ng MCAT, PO3 Rey at PO3 Depano, na sumisingil ng P100 kada vendor. Siyempre, hindi rin nakaligtas sa tropa ni Tubera ang mga vendors mula Asuncion hanggang Juan Luna at pati kaloob-looban ay may tara at 24/7 ang kolekta.

Hindi lang ‘yan! Ang tarima naman na kulay blue para sa nagkalat na gulayan ay P300 ang singil bawat isa. Ang masakit pa Mayor Domagoso Sir eh walang paltos ang koleksiyon ng tropa ni Tubera dahil kapag absent ka, aba kinabukasan doble na ang payola mo. Araguuyyyy! Hak hak hak! Parang style lang ni Dennis Alcoreza nung panahon ni Erap, ‘no Mayor Domagoso Sir?

Ang masama nito, hindi makaporma ang taga-Station 2 ng MPD laban sa tropa ni Tubera dahil bukambibig ng mga ito si Mayor Domagoso dahil ang nakolekta nilang pitsa ay para sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO). Subalit kapag hindi nasawata ang tropa ni Tubera, ang apektado ay ang imahe ng Philippine National Police lalo na’t nasa kasagsagan ang internal cleansing ni PNP chief Gen. Debold Sinas.

Panahon na para mag-deploy si Sinas ng mga ahente ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa Divisoria para magkaalam-alaman na. Paimbestigahan din ni Sinas sa IMEG kung sino ang pulis na nagpapagawa na milyones na bahay na ang gastusin ay galing sa vendors. Maganda na sana ang panimula ni Mayor Domagoso subalit nasisira lang dahil sa pangongotong sa vendors ng mga malapit sa kanya. Abangan!

vuukle comment

DEBOLD SINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with