^

Punto Mo

100 Tips: Life, beauty & HAPPINESS (Part 5)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Para magtagumpay ka sa pagsungkit ng  iyong mga pa-ngarap, iwasan mong gumamit ng “speed limit”: Nag-graduate ng college sa edad na 40? Okey lang ‘yun.  Nagkaroon ng first boyfriend at nakaranas ng first kiss sa edad na 30? Okey lang. Huwag mong husgahan ang iyong sarili sa ‘timing’, ang mahalaga, nasungkit mo ang bunga.

2. Sa pagtatapos ng bawat job interview, laging itinatanong ng interviewer sa applicant kung may question sila. Itanong ninyo sa interviewer kung ano ang nagustuhan nila sa kompanya at doon niya napiling magtrabaho. Sure ‘yan, matatandaan ka niya.

3. Pagkasilang sa iyong anak, igawa mo sila ng e-mail address. Doon mo ipunin ang lahat ng kanyang pictures. Mga nais mong sabihin sa kanya habang baby pa siya at hindi pa puwedeng kausapin. Kapag nag-aaral na siya, at marunong nang mag-internet, saka mo ibigay ang kanyang e-mail.

4. Kung may pera rin lang, ang bilhin mong sapatos ay iyong maganda at totoong type mo. Minsan, ang suot mong sapatos ang nagbibigay ng first impression sa bago mong kakilala.

5. Uminom ng malamig na tubig pagkagising sa umaga. Napapalakas nito ang iyong metabolism ng 25 percent.

6. Mahuhusgahan mo ang karakter ng isang tao sa pamamagitan ng pag-obserba kung anong mga bagay ang nakakapagpatawa sa kanya.

7. Kung nalulungkot ka at wala sa mood, mag-exercise ka. You’ll feel 100 times better.

 8. Kung naghihintay ka ng kapalit matapos mong gawan ng kabutihan ang isang tao, nagkakamali ka sa iyong paniwala na mabait ka.

9. Next time, huwag mong ikasasama ng loob ang pamimintas na ginagawa sa iyo ng ibang tao. Ang katotohanan, ang mga negatibong sinasabi nila ay reflection ng kanilang sarili.

10. Gayahin natin ang aso kung paano nila nilalampasan ang stressful situation: Kapag hindi nila makain ang pagkaing ibinigay sa kanila o hindi malaro ang bagay na napulot nila, iniihian na lang nila ito at iniiwan. (Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with