^

Punto Mo

100 Tips: Life, beauty & happiness(Part 4)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Sobrang pagod: Magtimpla ng katas ng grapefruit at lemon sa isang basong tubig. Haluan ng honey. Ito ang inumin upang manumbalik ang energy.

2. Remedyo sa stomach acidity: Uminom ng buko juice 3-4 times a day o kaya ay kumain ng pakwan o cucumber kada isang oras.

3. Ipahid sa area na may pasa ang hilaw na sibuyas. Gawin ito kung walang sugat ang pasa.

4. Kung may arthritis, kumain ng 3-4 pirasong walnuts tuwing umaga bago mag-almusal.

5. Ito ang higuping sabaw kapag sinisikmura dahil nalipasan ng gutom: Magpalambot ng purong laman ng baka, mga kalahating kilo. Kapag malambot na, sabay-sabay ihalo ang pinitpit na luya, sibuyas, bawang, asin, miswa. Pakuluan ng mga 20 minutes.

6. Kung nalasing ka ng nagdaang gabi, ang mainit na sabaw sa #5 ang mainam na higupin o iulam sa kanin.

7. Ang sabaw ng #5 ang inihahalo sa kanin na dinurog ng tinidor upang ipakain sa baby na bago pa lang pinakakain ng solid food. Minsan, nilagang patatas na dinurog ng tinidor ang inihahalili sa kanin.

8. Kumain ng mayaman sa folic acid upang maiwasan ang constipation. Ang mayaman sa folic acid ay atay ng baka, baboy at manok. Ang ibang pagkain na mayaman sa folic acid ay beans and legumes; dark leafy vegetables; citrus fruits.

9. Kung wala kang fabric conditioner pero gusto mong maging malambot ang iyong maong pants kapag natuyo at isinuot sa katawan: Haluan ng 1 cup na asin (rock salt) ang detergent at tubig sa washing machine at saka labhan ang maong.

10. Upang hindi kumupas ang kulay ng bagong towel, lagyan ng 1 cup rock salt ang tubig na paglalabhan nito. (Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with