^

Punto Mo

Hindi ako susuko (47)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG naglalakad pauwi ay ang mga sinabing panlalait ng anak na babae ni Sir Abe ang nanunuot sa isipan ni Reagan, Kahit pa sinabi ni Sir George kanina na huwag na lang pansinin ang masasakit na sinabi at pangibabawin ang nagawa ni Sir Abe sa kanya, hindi pa rin iyon maalis sa isipan ni Reagan. Masakit talaga at nakabababa ng pagkatao. Hindi niya akalain na masasabi iyon ng anak ni Sir Abe. Palagay naman niya at edukada ang anak ni Sir Abe at hindi basta magbibitaw nang masakit na salita – pero nagkamali siya. Mas matindi palang manlait ang isang may pinag-aralan. Hindi niya matanggap na mapagsalitaan nang ganun. Sobrang panlalait.

Hindi nagderetso si Reagan sa kanilang bahay. Sa bukid nila siya nagtungo at nagpahinga sa ilalim ng punong banaba. Gusto niya bago umuwi ay napawi na ang masasamang sinabi sa kanya ng anak ni Sir Abe. Tiyak na tatanungin siya ng kanyang ama at ina kung bakit dala pa rin niya ang portrait ni Sir Abe. Sasabihin niya ang mga nangyari. Wala siyang itatago sa mga magulang. Mas mabuti na malaman ng mga ito ang panlalait na natamo sa anak ni Sir Abe.

Binuksan niya ang nakabalot na portrait ni Sir Abe. Pinagmasdan niyang mabuti. Napakaganda at napakakinis nang pagkakagawa niya rito. Sayang at hindi na nakita ni Sir Abe. Kung buhay lang si Sir Abe tiyak na matutuwa iyon.

Huminga nang malalim si Reagan. Muling naalala ang panlalait na ginawa sa kanya ng anak na babae ni Sir Abe. Sabi nito, kaya raw pala na­ubos ang pera ng kanyang daddy ay dahil ginastos sa pagpapaaral sa kanya. Sabi pa, ano raw ang pinakain niya kay Sir Abe at napapayag ito na gastusan siya sa pag-aaral.

Ang sakit!

Muli niyang tinitigan ang portrait ni Sir Abe.

Napaluha siya.

Hanggang sa makaramdam siya ng antok.

Nakatulog siya.

Siguro’y dahil sa pagod at sama ng loob sa nangyari kanina.

Hanggang sa hindi niya namamalayan na may taong dumating at pinagmasdan siya habang natutulog.

Nakatingin ito sa portrait ni Sir Abe.

Dahan-dahan nitong kinuha ang portrait at pinagmasdan.

(Itutuloy)

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with