^

Punto Mo

Liham kay God

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG trabaho ng lalaki sa post office na pinaglilingkuran niya ay piliin ang mga liham na hindi mabasa ang mga address na nakasulat sa harapan ng sobre at pagkatapos ay ihiwalay ito. Isang liham ang nakatawag ng kanyang pansin. Ang nakasulat sa harapan ng sobre ay: TO GOD. Naintriga ang lalaki at binuksan ang sobre. Narito ang nakasaad sa liham:

“Dear God: Malaki ang problema ko. Sana’y matulungan mo ako. Ako’y 85 years old at umaasa lamang sa pensiyon. Kahapon ay nawala ang aking inipong P3,000. Inipon ko iyon para ipanlibre ko sa aking mga kaibigang mga senior citizen na rin kagaya ko. Paka­kainin ko sila sa aking kaarawan sa isang linggo. Sa isang buwan pa darating ang aking pensiyon kaya humihingi ako ng tulong sa iyo na sana’y mabawi ko ang P3,000 na nawala sa akin bago dumating ang aking birthday. Salamat.”

Nabagbag ang kalooban ng lalaki sa istorya ng matanda kaya ipinabasa niya ang sulat sa mga kasamahan sa trabaho. Naawa ang mga taga-post office kaya lahat ay nag-ambag ng pera para may maibigay sa matanda. Nakaipon ang lalaki ng P2,000. Maliit lamang ang suweldo ng lalaki kaya gustuhin man niyang dagdagan ng P1,000 para mabuo ang kailangang P3,000 ay hindi niya magawa. Magkaganoon pa man ay ipinadala pa rin ng lalaki ang P2,000 sa matanda thru money order.

Pagkaraan ng dalawang linggo ay may nakuha na namang sulat ang lalaki na may nakasulat na TO GOD. Binuksan niya ang sulat at binasa ito sa harapan ng mga kasamahan sa trabaho na nag-ambag para makaipon ng P2,000. Narito ang liham:

“Dear God: Maraming salamat at hindi mo ako binigo. Napakasaya ng aking birthday. Natupad ko ang pangako sa aking mga kaibigan na pakakainin ko sila sa restaurant sa aking kaarawan. Kaya lang nawawala po ang P1,000 dahil P2,000 lang ang aking natanggap. Hinala ko ay ninakaw ‘yun ng mga taga-post office!”

vuukle comment

GOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with