^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (Wakas)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAKALIPAS pa ang dalawang buwan ay ikinasal na sina Jonas at Ziarah. Simpleng kasalan lang ang naganap, ayon sa kanilang plano. Mga kaibigan lang nila ang imbitado at ilang ninong at ninang. Ilang kaanak ni Jonas ang dumating. Wala namang kamag-anak si Ziarah sa nilayasang probinsiya. Hindi na siya nag-aksaya pang bumalik doon sapagkat maaalala lamang niya ang masaklap na karanasan mula sa kanyang ‘‘hayok at ganid’’ na amain. Ayaw din naman ni Jonas na bumalik doon si Ziarah. Sinabi niya kay Ziarah na ibaon na lamang sa limot ang lahat. Hindi na kailangang balikan ang masamang kahapon.

Tinotoo nila na ang honeymoon ay gagawin sa magandang beach sa Sariaya. Iyon ang kanilang plano noon una silang magtungo roon.

Sa isang magandang hotel sila tumuloy. Muli silang namasyal kinabukasan. Isang linggo silang namalagi sa sikat na beach.

Makaraan pa ang ilang buwan, buntis na si Ziarah.

Tuwang-tuwa ang mag-asawa. Madadagdagan na sila. May maririnig ng iyak at halakhak ng sanggol sa kanilang bahay.

Lalaki ang kanilang panganay. Kamukhang-kamukha ni Jonas.

Makalipas ang dalawang taon, nabuntis at nanganak uli si Ziarah. Isang babae naman ang iniluwal niya.

Kamukhang-kamukha ni Ziarah ang ikalawang anak.

Lalo nang naging maligaya ang kanilang pagsasama.

Wala nang mahihiling pa si Ziarah.

Lumipas ang ilang taon ay nagbalik sila sa beach sa Sariaya. Gusto nilang makita ng kanilang dalawang anak ang magandang lugar.

Masayang-masaya ang dalawang bata.

Pinanood nila ang pag­lubog ng araw. Napakaganda.

Pinisil ni Jonas ang palad ni Ziarah.

Ginantihan din ng pisil ni Ziarah.

May ibinulong si Jonas kay Ziarah.

“Salamat mahal kong babae sa aparador. Maraming salamat.’’

Kinurot ni Ziarah si Jonas.

Napaiktad si Jonas na ikinagulat ng dalawa nilang anak.

(Bukas aba-ngan ang isa pang kapana-panabik na nobela ni Ronnie M. Halos. Huwag bibitiw!)

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with