^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (193)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

INALALAYAN ni Jonas si Ziarah para makalabas sa aparador.

Nang makalabas, niyakap ito nang mahigpit ni Jonas. Para bang matagal na nawala.

‘‘Akala mo iniwan na kita, Sweet?’’

“Oo, Love.’’

“Bakit naman kita iiwan?’’

“E malay ko kung nagsasawa ka na sa akin?’’

Napahagikgik si Ziarah.

“Ako magsasawa sa’yo? Hindi mangyayari ‘yun.’’

“Talaga?’’

“Oo.’’

“E ano bang pumasok sa ulo mo at nagtago ka sa aparador?’’

“Wala lang. Gusto ko lang ipaalala sa iyo ang mga ginawa kong pagta­tago noong kayo pa ni Kat.’’

“Huwag mo nang banggitin ang pangalan ng ba­baing ‘yun at umiinit ang dugo ko.’’

“Sorry, Sweet.’’

“Tapos na ang masasamang kabanata ng aking buhay at humihingi ako ng sorry sa’yo dahil pati ikaw ay nadamay.’’

“Wala kang dapat ipagpaumanhin, Sweet. Nauunawaan kita.’’

“Salamat, Love. Pangako ko sa’yo, mamahalin kita nang labis.’’

“Ikaw din, Sweet. Mamahalin din kita nang sobra-sobra.’’

Mahigpit pang ni­yakap ni Jonas si Ziarah.

Punumpuno ng pag­mamahal.

(Tatapusin)

ANG BABAE SA APARADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with