^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (191)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

LINGID sa kaalaman ni Jonas, nakikita ni Ziarah ang mga galaw niya na hindi mapakali sa paghahanap sa kanya.

Nakasilip si Ziarah sa maliit na awang ng pinto ng aparador. Nakikita niya na hindi malaman ni Jonas kung uupo o tatayo. Problema-dung-problemado sa biglang pagkawala niya.

Hindi siya lumilikha ng ingay at baka maghinala si Jonas na nasa loob siya ng aparador.

Hindi muna siya lalabas sa aparador.

Susubukan niya kung ano ang mga gagawin ni Jonas.

Maya-maya, nakita ni­yang tumayo si Jonas mula sa pagkakaupo sa kama. Nagbihis ito.

Saan kaya pupunta?

Pagkatapos magbihis ay lumabas ng kuwarto.

Nag-isip si Ziarah.

Baka pupunta sa palengke o sa mga tindahan sa malapit sa kanilang lugar. O sa paligid-ligid para hanapin siya.

Nagmamadaling lumabas si Ziarah sa aparador at sinilip sa bintana kung saan pupunta si Jonas.

Tama ang hula niya, papunta sa gawing palengke. Alam ni Jonas na doon siya lagi pumupunta.

Makalipas ang 20 minuto, nakita ni Ziarah mula sa bintana na pabalik na si Jonas.

Nagmamadali siyang pumasok sa aparador.

Isiniksik muli ang katawan sa loob kasama ang mga damit.

Maya-maya, narinig niya ang pagbubukas ng pinto ng kuwarto.

Sinilip niya.

Pawisang-pawisan si Jonas. Pagod na pagod.

Naupo muli sa kama.

Malungkot ang mukha.

Problemado talaga si Jonas sa bigla niyang pagkawala. Sa tingin niya, hindi mabubuhay si Jonas nang wala siya.

Bahagi na siya ng buhay ni Jonas.

Ipinasya na niyang magpakita.

Sinitsitan niya si Jonas.

‘‘Pssssstttt!’’

Napalingon si Jonas.

(Itutuloy)

ANG BABAE SA APARADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with