^

Punto Mo

Buwaya, nilulon nang buo ng sawa!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI pala uubra ang buwaya sa sawa. Kayang-kaya palang lulunin ng sawa ang buwaya!

Ganito ang nangyari sa Lake Moondarra sa Queensland, Australia nang magpambuno ang isang sawa na may 10 feet ang haba at sawa na 3 feet ang haba. Nilingkis ng sawa ang buwaya nilulon ito nang buo.

Nasaksihan ni Tiffany Corlis, isang manunulat at nakatira malapit sa lawa, ang kagila-gilalas na pangyayari.

Ayon kay Corlis, kumakain siya ng almusal nang tawagin ng ilang namamangka tungkol sa kakaibang nangyayari sa lawa.

Dali-daling nagtungo si Corlis at nakita niya ang isang sawa at buwaya na agbubuno sa gitna ng lawa. Lingkis ng sawa ang buwaya. Nagpupumilit makaalpas ang buwaya sa pagkakalingkis.

Matapos ang ilang oras na paglalaban, namatay ang buwaya dahil sa paglingkis.

Nang masigurong patay na ang buwaya, hinila ito ng sawa sa pampang ng lawa. Sinimulan itong lulunin nang buo. Inuna ang mukha ng buwaya hanggang buntot.

Bagama’t may kalakihan ang buwaya, umabot lamang ng 15 minuto ang paglulon ng sawa. 

Nabundat ang sawa sa laki ng kinaing sawa.

Pagkatapos ay umalis na ang sawa at nawalang parang bula sa lawa.

vuukle comment

AUSTRALIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with