^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (189)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAISIP ni Ziarah na pagtaguan si Jonas isang araw ng Linggo. Nagbabasa ng diyaryo si Jonas sa salas nang magtago siya sa aparador. Ang aparador ay ang pinagtaguan niya noon para hindi makita ni Kat. Titingnan ni Zia­ah kung ano ang magi-ging reaksiyon ni Jonas kapag nawala siya. Noon ay isang buwan na lang at malapit na silang ikasal ni Jonas.

Mabuti na lang at balingkinitan pa rin ang katawan niya kaya kas-yang-kasya pa rin siya sa aparador. Nakakahinga pa rin siya sapagkat iniawang niya ng bahag­ya ang pinto. Masisilip niya si Jonas kung ano ang reaksiyon nito.

Walang kamalay-malay si Jonas sa ginagawa ni Ziarah dahil abala siya sa pagbabasa ng diyaryo. Katatapos lamang nilang mag-almusal.

Halos kalahating oras nang nagbabasa ng diyaryo nang mahalata na bakit wala si Ziarah. Tahimik na tahimik sa buong bahay. Naisip niya na baka nagsasampay ng damit sa likod ng bahay si Ziarah. Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa.

Pero makalipas ang ilang minuto, nagtaka uli si Jonas sapagkat tahimik na tahimik pa rin sa buong bahay.

Binitawan niya ang diyaryo at lumabas para hanapin sa likod ng bahay si Ziarah. Maaaring nagsasampay ito ng damit.

Pero nagtaka siya sapagkat wala ito roon.

Nagbalik siya sa loob ng bahay. Sinilip ang banyo. Wala roon. Wala rin sa laundry. Wala sa kitchen.

Nasaan si Ziarah?

Umakyat siya. Baka nasa kuwarto nito at natutulog.

Kumatok siya. Walang sumasagot.

Binuksan niya ang pinto.

Wala rin doon si Ziarah.

Kinabahan na si Jonas.

Nasaan na si Ziarah?

Ah baka may binili sa tindahan! Baka bumili ng sabon.

Pero lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin bumabalik si Ziarah.

Kinabahan na si Jonas.

Masama ang kutob niya.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with