Ang babae sa aparador (180)
HINDI lubos na maisip ni Ziarah kung bakit biglang pumasok sa isipan niya si Kat. Paano kung sa pupunatahan nilang restaurant ay naroon pala si Kat. Paano kung makita sila nito? Baka may masama na namang mangyari kay Jonas.
Pero siya na rin ang kumontra sa naisip. Hindi mangyayari ang kanyang naiisip. At saka bakit ba siya matatakot kay Kat? Hindi siya dapat masindak sa babaing iyon? Hindi ang katulad ni Kat ang dapat kasindakan sapagkat wala itong kuwentang babae. Hindi siya dapat matakot sa manloloko at palikerang babae.
“Narito na tayo Love!’’ sabi ni Jonas.
Nagulat si Ziarah.
Narito na pala sila sa basement parking ng restaurant.
Bumaba sila at sabay na naglakad patungo sa restaurant. Humawak siya sa braso ni Jonas. Unang pagkakataon na ginawa niya. Dapat lang siyang humawak sa lalaking mahal niya.
Maraming tao sa restaurant. Halatang maykaya ang mga kumakain.
Nakaupo rin agad sila pagkalipas ng ilang minuto.
Umorder sila ng pagkain --- pawang seafoods.
Nang dumating ang kanilang order, tuwang-tuwa si Jonas.
“Gusto ko laging ganito tayo, Ziarah. Magkasamang kumakain sa labas. Ayaw kong magkahiwalay tayo.’’
“E si mamasyal at kumain tayo araw-araw para masaya.’’
“Sige yan ang gagawin natin, ha-ha-ha!’’
Kumain na sila.
(Itutuloy)
- Latest



















