^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (172)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI makapaniwala si Ziarah sa mga sinabi ni Jonas. Paano nangyari iyon na narito raw siya sa bahay at nagtatago lang. Bakit wala siyang nahalata? Wala naman siyang naramdamag kakaiba sa loob ng dalawang araw na nagpaalam si Jonas na mawawala.

‘‘Hindi ka makapaniwala, Ziarah?’’

“Kuya huwag mo naman akong biruin. Wala ka naman dito sa bahay.’’

‘‘Narito nga ako at nagtatago. Dun sa ilalim ng hagdan. May secret room, dun na pinaglalagyan ko ng mga abubot. Dun ako nagtago. Mula roon ay kitang-kita ko ang mga ginagawa mo.’’

Gimbal si Ziarah. Mayroon nga siyang napapansin na room sa ilalim ng hagdan pero hindi siya nag-aaksa-yang alamin kung ano iyon.

“Nakita nga kita habang naka-two piece bikini. Nahubaran ka dahil sumabit ang dulo ng tuwalya sa pako. Di ba, Ziarah?’’

Hindi makapagsalita si Ziarah.

Natatandaan na niya.

Isang gabi na suot niya ang two piece bikini ay nakarinig siya na may nabasag na bote dito sa ibaba.

Bumaba siya na nakabalot ng tuwalya at sumilip sa bintana para malaman kung ano ang nabasag.

Wala naman siyang nakita.

Hanggang sa sumabit nga ang dulo ng tuwalya sa pako at nahubaran siya.

Nakita pala iyon ni Jonas.

Nakakahiya!

‘‘Naalala mo na Ziarah?’’ tanong ni Jonas at nagtawa nang nagtawa

‘‘Kuya nahihiya ako!’’

‘‘Ba’t ka mahihiya e ang ganda ng katawan mo?’’

‘‘Kuya naman...’’

‘‘Totoo ang ganda! Kinunan nga kita sa cell phone ko. Gusto mong makita?’’

‘‘Kuya nakakahiya!’’

‘‘Hindi ka dapat mahiya. Dapat ka pa ngang magmalaki.’’

Pero nagtakip ng mukha si Ziarah.

Niyakap siya ni Jonas nang mahigpit.

‘‘Huwag ka nang mahiya, Ziarah.’’

‘‘Wala na akong maipagmamalaki sa’yo Kuya. Nakita mo na ang itinatago ko.’’

(Itutuloy)

BABAE SA APARADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with