^

Punto Mo

13 bits of advice

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Kung magagawa mong pigilan, iwasan ang paksang pampulitika kapag nasa party, reunion at iba pang social events.

2. Kung ang pinag-uusapan ay tungkol sa romantic love, mas malakas ang statement na ganito: “Minahal ko siya kahit siya ay….” kaysa statement na “Minahal ko siya dahil siya ay…”.

3. Lagi mong i-tsek ang iyong bank account.

4. Kung may isang bagay na puwede mong magawa at tapusin sa loob ng 5 minuto, gawin mo ito ora mismo.

5. Laging tumayo at umupo nang nakatuwid ang iyong likod.

6. Huwag mag-alala kung ano ang iniisip sa iyo ng ibang tao. Hindi mo lang alam, abala rin sila sa pag-iisip kung ano ang iniisip ng ibang tao sa kanila.

7. Kung may naaamoy kang ebak saan ka man pumunta, silipin mo muna ang ilalim ng iyong sapatos bago mo pagbintangan ang ibang tao. O, kung may karga kang sanggol, silipin mo rin ang kanyang suot na diaper.

8. Mas magaling sa iyo ang mga taong nagpapagalit sa iyo dahil nakokontrol nila ang iyong emosyon. Huwag pumayag na mas maging magaling sila sa iyo.

9. Kung mali ka, aminin mo. Pero kung ikaw ang tama, manahimik ka muna.

10. Sa lahat ng tao sa buong mundo, magulang, asawa at anak mo lang ang magsasabi sa iyo ng totoo. Kaya bigyan mo nang importansiya ang mga opinyon nila kahit pa kontra ito sa iyong plano.

11. Kung ayaw kumatok ng oportunidad, gumawa ka ng pintuan.

12. Kung ang iyong kausap ay may edad na at hindi mo kakilala, call them sir or mam, huwag tatay or nanay. Mas propesyunal ang dating kung  sir or mam. Bukod dito, nagdadagdag ito ng “dignity” sa pagiging senior citizen nila at nagbibigay ito ng kasiyahan sa kanilang kalooban. Bakit maraming kumakain sa Jollibee? Isa sa maraming dahilan ay tinatawag nila ng Sir at Mam ang lahat ng kostumer, bata man o matanda.

13. Remember, huwag tatawagin ng nanay o tatay ang taong hindi ninyo kakilala. Annoying lang ang magiging dating ninyo kaysa marespeto.

 

vuukle comment

PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with