^

Punto Mo

62-anyos na python, nangitlog makalipas ang 15 taon na huling makasalamuha ng lalaking sawa

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MISTERYO para sa St. Louis Zoo ang biglang pangi­ngitlog ng kanilang 62-anyos na ball python na 15 taon na simula ng huli itong makisalamuha sa isang lalaking­ sawa.

Nagulat daw ang mga nag-aalaga sa python, na pinakamatandang uri sa nasabing zoo, nang madiskubre ang mga itlog nito.

Bagama’t may posibilidad namang mangitlog ang babaing sawa kahit walang lalaki, nakakamangha pa rin daw ang nangyari lalo na’t 62-anyos ang python.

Ayon sa mga opisyal ng zoo, may posibilidad na ang python nila ang pinakamatanda sa uri nito na nakapa­ngitlog pa.

Isasailalim pa sa genetic testing ang mga itlog  upang malaman kung ano ang dahilan at kung papaanong nangitlog­ ang isang 62-anyos na python.

vuukle comment

ZOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with