^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (163)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MALALIM na namang nag-isip si Ziarah kung bakit dalawang araw na hindi uuwi sa bahay si Jonas. Bakit dalawang araw?

Kung mag-oobertaym, bakit kailangang hindi umuwi ng dalawang araw? At sa pagkakaalam niya, malapit lang naman ang opisina ni Jonas. Parang 20 minutes lang mula rito sa bahay ay nasa opisina na.

Napabuntung­hininga si Ziarah.

Kung anu-ano na naman ang naisip niya.

Hindi kaya dahil natuloy na ang pagkikita nila ni Kat?

At kaya dalawang araw na mawawala ay ma­aaring sa isang suite ng hotel sila mamamalagi.

O kaya ay sa isang resort?

Baka sa Tagaytay pupunta?

O maari namang sa Baguio?

Sunud-sunod ang buntunghininga ni Ziarah.

Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip niya. At natatakot siya na baka may mangyari kay Jonas.

Baka masundan sila ng lalaki ni Kat at maulit ang pambugbog nit okay Jonas. Kahit pa sinabi ni Jonas na handa na siya sa pakikipaglaban sa lalaki ni Kat, hindi pa rin siya nakakasiguro dahil mukhang palaban ang lalaki.

Bumuntunghininga uli si Kat.

Sabagay, alam na ni Jonas ang mga dapat gawin. May aral na siya kayua siguro naman kaya na nga niyang protektahan ang sarili.

Isa pa, mabuti nga at hindi sila rito sa bahay magtatagpo, hindi siya magkakandarapa   sa pagtatago.

Mabuti nang sa labas sila gumawa nang kahalayan.

Ipinagpatuloy ni Kat ang pagluluto. At nang makatapos, kumain siya. Dahil wala naman siyang kasama at walang hinihintay, maaga siyang matutulog.

KINABUKASAN, ikalawang araw na wala siyang kasama sa bahay. Maaaring bukas pa ng umaga darating si Jonas. Sabagay tamang-tama dahil Linggo. Wala siyang pasok sa school. Magagawa niya ang lahat dahil wala naman siyang kasama.

Pagkatapos niyang magawa ang mga gawain --- pagla-laba, paglilinis at pagwawalis sa garahe at bakuran, ang mga damit niyang bagong bili ang muli niyang inayos.

Sabi nga pala ni Jonas ay isuot na niya ang mga damit. Aanhin daw ang mga iyon?

Sabagay nga. Baka malu-ma ang mga iyon. Isusuot na niya bukas pagpasok sa school.

Inayos din niya ang two-piece bikini.

Hanggang sa makatuwaan niyang isukat uli.

Wala naman siyang kasama sa bahay kaya pagsasawaan niyang isuot.

Isinuot niya.

Paikut-ikot siya sa harap ng salamin. (Itutuloy)a

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with