^

Punto Mo

Ang napulot na $20

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

BAGO pumasok sa restaurant ang walong taong gulang na batang lalaki na si Myles Eckert at kanyang ina, nakapulot ito ng $20 sa parking lot. Nangyari ito noong February 2014. Nasa isip ni Myles na ibili ito ng video game. Ngunit nagbago ang kanyang plano nang makita niya ang nag-iisang sundalo na kumakain sa restaurant.

Humingi siya ng kapirasong papel at ballpen sa kanyang ina para gumawa ng liham. Pagkatapos magsulat, iniabot niya ang liham kung saan nakabalot ang $20 sa nabiglang sundalo.

Dear Sir,

Ang aking ama ay sundalo rin pero nasa heaven na siya. Kanina nakapulot ako ng $20 at naisip kong ibigay ito sa iyo. Ito ang alam kong paraan para mapasalamatan ang lahat ng sundalo sa kanilang serbisyo. Naaalaala ko ang aking ama tuwing nakakakita ako ng sundalo.

— Love, Myles

Namatay ang ama ni Myles sa Iraq limang linggo pagkaraang ipinanganak siya. Ang tanging alaala niya sa ama ay wedding ring at dog tag nito. Ang sundalong binigyan ng $20 ni Myles ay si Lt. Col. Dailey ng Ohio Airforce.

Kumalat sa social media ang ginawa ni Myles at humakot ito ng milyong LIKES. Naging instant celebrity siya: naging guest siya sa TV show na “Ellen” ni Ellen DeGeneres, inimbitahan din siya ni dating President George W. Bush sa kanyang Presidential Library at ang pinaka-exciting sa lahat ay naging honorary pallbearer siya sa libing ng sundalong namatay sa cancer dahil nagtrabaho ito sa sunugan ng basura sa Iraq.

“Our flag does not fly because the wind moves it… it flies with the last breath of each soldier who died protecting it.” – quotereel.com

vuukle comment

MONEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with