^

Punto Mo

2 piraso ng gintong nagkakahalaga ng $250,000, natagpuan ng gold hunters sa Australia

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Pang-masa

DALAWANG Australian gold hunters ang nakadiskubre ng dalawang malalaking tipak ng ginto na may pinagsamang timbang na 7.7 pounds at may tinatayang halaga na aabot $250,000 (katumbas ng P12.2 milyon).

Ayon sa magbayaw na sina Brent Shannon at Ethan West, na pawang mga tampok sa Australian TV show na Aussie Gold Hunters, ay natagpuan nila ang gold nuggets nitong nakaraang Huwebes sa Tarnagulla, Victoria na kilalang minahan ng ginto.

Ayon sa dalawa, ilang buwan din ang inabot bago sila nakakuha ng pahintulot upang maghanap ng ginto sa lugar.

Bagama’t dati pa silang nakakahanap ng maliliit na piraso ng ginto ay ngayon lang daw sila nakatagpo nang malalaking gold nuggets sa nabanggit na gold field.

Pambihira rin daw na sa loob lang ng isang araw nila natagpuan ang dalawang malalaking tipak ng ginto.

Ayon sa mga eksperto, maaring tumaas pa ng 30% ang tinatayang presyo ng dalawang piraso ng gold nuggets kung sa isang collector ito maipagbebenta.

vuukle comment

AUSTRALIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with