^

Punto Mo

Mga alipores ni Sebastian, reresbak?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

IBINULGAR ng nasirang drug lord na si Jaybee Niño Sebas­tian na kasama sa drug operations niya ang mga pulitiko, miyembro ng judiciary, pulisya at ilan pang tao ng gobyerno na nakinabang sa P40 milyon payola niya. Sa isang dokumento na napasakamay ng mga awtoridad, ipinagyabang pa ni Sebastian kung paano niya naipanalo ang mga kaalyadong pulitiko sa election. Kaya pala bumabaha ang pitsa sa mga naka­raang elections eh nagbuhos pala ng drug money ang mga drug lords kahit nakakulong na sila sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City. Araguuyyy!

Kaya naman matapang si BuCor chief Gen. Gerald Bantag na mag-akusa na ang mga puli­tiko na nag-iingay sa pagkamatay ni Sebastian ay protector niya kasi may hawak pala siyang alas, di ba mga kosa? Sinabi ng mga kosa ko na may binabanggit na mga pangalan si Sebas­tian subalit hindi muna ibinulgar dahil nirerebisa pa ito ng BuCor, Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Araguuyyy! Hak hak hak! Tatamaan ng kidlat ang mga taong binanggit ni Sebastian sa dokumento, di ba mga kosa? Tumpak!

Si Sebastian ay namatay sa COVID-19 noong Hulyo 18 at iimbestigahan ng Senado ang pagpanaw niya dahil sa sari-saring conspiracy theories na naglabasan sa social media. Siyempre, handa naman si Bantag na umatend ng Senate hearing, hindi lang para linisin ang BuCor sa lahat nang haka-haka at nang malinis din niya ang pangalan sa bintang na na-salvage si Sebastian at iba pang mga drug lords na namatay sa COVID. Nais ding ipaliwanag ni Bantag na hindi lang naman mga drug lords ang namatay sa COVID sa NBP kundi may iba pang preso.

Kung sabagay, marami pang preso ang nadapuan ng COVID at silang lahat ay nasa pangangalaga sa ngayon ng BuCOr officials para hindi sila matuluyan tulad ng mga drug lords. Araguuyyy! Hak hak hak! Sinabi ni kosang Sel Cabingan na may silbi din pala ang COVID dahil nga natigok ang mga drug lords na salot sa ating lipunan, di ba mga kosa?

Sa totoo lang, pati security ng NBP ay hinigpitan ni Bantag dahil nagbabanta ang asawa ni Sebastian na «reresbak» sila. Ayon sa asawa, malakas pa si Sebastian noong huling nakita niya subalit sa isang iglap lang na nawala ito sa paningin niya ay nadale na ito ng COVID. Maraming alaga si Sebastian, sa loob at labas ng kulungan, kaya’t hindi nagbabakasakali si Bantag at baka masalisihan s’ya at ang iba pang opisyales ng BuCor kaya nakahanda na sila sa resbak. Araguuyyy!

Masalimuot talaga ang pinasok na negosyo ni Sebastian at pag nagkataon ay madami ang madadamay kapag ipinilit ng asawa ang kanyang pagbabanta, di ba mga kosa! Sa tingin ng mga kosa ko, todo-suporta ang ibibigay ni President Digong sa mga bataan n’ya sa kasagsagan ng kampanya laban sa droga kahit pa sa panahon ng COVID pandemic. Kailangang bantayang maigi ni Bantag, hindi lang ang alipores ni Sebastian, kundi maging ang iba pang namatay sa COVID na drug lords at baka na-recruit din sila sa resbak! Abangan!

vuukle comment

JAYBEE NIñO SEBAS­TIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with