^

Punto Mo

Milyones ng nadedo na drug lords, iniiyakan ng misis at kabit!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAG-IIYAKAN sa ngayon ang mga misis at kabit ng mga drug lords na namatay sa COVID-19 sa National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City. Hindi sila umiiyak mga kosa dahil nawalang parang bula ang kanilang mga mahal sa buhay. Kaya umiiyak ang mga misis at kabit ng drug lords mga kosa ay dahil hindi nila malaman kung paano mapasasakamay nila ang milyones na nakalap ng mga mister nila sa drug business nila. Araguuyyy!

Sinabi ng mga kosa ko sa Camp Crame na si Pasig shabu “tiangge” operator Amin Imam Boratong lang ay may aabot sa P900 milyon sa kanyang bankbook. May isa pang drug lord na bilyon naman ang kinita. Wala pa akong balita kung magkano ang nalikom ni Jaybee Niño Sebastian, ang pinakahuling drug lord na namatay noong Sabado lang sa COVID. Kung ano ang diskarte ng mga misis at kabit para mapasakamay nila ang milyones ng mister nilang drug lords ay inaabangan ng gobyerno ni President Digong. Hak hak hak! Dapat maunahan ng gobyerno ang mga misis at kabit sa pitsa ng kanilang mga mister na drug lords.

Kung sabagay, trabaho na ng Anti-Money Laundering Council (AMLAC) ang pag-freeze ng asset nitong mga namatay na drug lords. Ang kailangan lang ay mapasakamay ng AMLAC ang mga bankbook ng drug lords at presto... makukumpiska na ng gobyerno ni Digong ang pitsa at magamit sa COVID, para mailigtas sa virus ang iba pang mga kriminal na nakakulong sa NBP. Araguuyyy!

Sa report na nakarating kina NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas at BuCor chief Gen. Gerald Bantag, si Sebastian ang nagsisilbing “middleman” ng mga Intsik na drug lords na kasama sa tinaguriang “Bilibid 19” na nakakulong sa NBP. Si Sebastian ang tagaayos ng problema ng mga Intsik lalo na ang bigtime drug lord na si Benjamin Marcelo kapag hindi sila binabayaran ng mga suki nilang drug pushers. May alagang gun-for-hire si Sebastian?

Kasama sa trabaho ni Sebastian ay ‘yung pulitiko na nakitang sunog sa loob ng kotse n’ya sa Batangas, anang kosa ko. Hindi naman droga ang lakad ng pulitiko kundi may atraso lang siya sa hindi pa malamang drug lord. Naging witness laban kay Sen. Leila de Lima si Sebastian kaya sa tingin niya untouchable siya sa loob ng NBP. Kaya lang, la epek ang kasigaan niya sa COVID. Araguuyyy! Hak hak hak! Tama lang ang balita na kahit nakakulong na ay aktibo pa din sa negosyo nila ang mga bigtime drug lords, no mga kosa? 

Kaya lang nang mamatay si Boratong at iba pang Bilibid 19 sa COVID, aba nag-iba ang ihip ng hangin kay Sebastian. Palagi siyang namonitor na nagbabanta kay Bantag, na abala naman sa pagpahinto ng paglaganap ng virus sa loob ng NBP. Parang naramdaman ni Sebastian na dadapuan din siya ng COVID?

Pero sa totoo lang, maaga pa para sabihin na mahihinto na ang negosyo sa droga sa Pinas sa pagkamatay sa COVID ng mga drug lords dahil maraming shabu pa ang kumakalat sa kalye. Kaya dapat close monitoring sina Sinas at Bantag dito para di lumala ang problema ng droga sa bansa, di ba President Digong Sir? Abangan!

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with