^

Punto Mo

Kahit may COVID, todo trabaho ang NCRPO! -- Sinas

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

TODO-TRABAHO ang mga bataan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Debold Sinas para pangalagaan ang kalusugan ng mga Pinoy sa Metro Manila at labanan ang droga at kriminalidad sa panahon ng COVID-19 pandemic. Alam n’yo naman mga kosa na ang 16,000-rank-and-file ng NCRPO ang nagsisilbing frontliners vs COVID sa pamamagitan ng pagtao sa mga checkpoints kaya may 517 confirmed cases sila sa talaan nitong Hulyo 13.

Ayon kay Col. Remus Medina, NCRPO intelligence chief, walo sa mga positibong pulis ay naka-confine sa ospital, 264 ang naka-quarantine, 21, ang naka-extended home quarantine at lima ang nakasalang na ilipat sa isolation facility. May isang pulis na namatay sa COVID, 218 ang nakarekober samantalang umabot sa 1,910 ang nakakumpleto ng kanilang quarantine, ani Medina. Hindi naman naging malungkot ang buhay ng mga pulis na tinamaan ng virus dahil todo suporta sa kanila ni Sinas, sa pamamagitan ng ayudang pagkain at iba pang pangangaila-ngan nila at kanilang pamilya. Hak hak hak! Hayan mga kosa, alam n’yo na kung bakit mahal ng ating kapulisan si Sinas.

Habang nakatutok si Sinas sa COVID mula Marso 15 hanggang Hulyo 12, hindi naman nagpabaya ang NCRPO sa anti-criminality campaign nila. Nagsagawa ang mga tauhan ni Sinas ng 3,496 na operations vs droga, wanted persons, loose firearms, at illegal gambling sa naturang period na naging dahilan para bumaba ang crime rate sa Metro Manila. Sa datos ni Medina, 2,812 anti-drugs operations ang isinagawa ng NCRPO at nakaaresto sila ng 6,885 katao, na lahat ay kinasuhan sa korte. Hindi lang ‘yan! Nakakumpiska rin sila ng aabot sa 124,260 gramo ng shabu, 8,169 gramo ng marijuana, 154 gramo ng cocaine, 18 tablets ng ecstasy, at 135 gramo ng Kush na nagkakahalagang P846, 006, 656 sa presyo ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Kung sabagay, malakihan na ang lakad ng mga pulis-NCRPO mga kosa dahil makikita naman sa accomplishment report nila na hindi na nila pinapatulan ang gramo-gramo dahil suportado ni Sinas ang buy-bust money nila. Araguuyyy! Hak hak hak! Tama ba ako Col. Medina Sir? Kaya nabura na ang puna ng mga kritiko ni President Digong na piyaet-piyaet o naka-tsinelas lang ang kayang hulihin ng mga pulis.

Umabot naman sa 321 operations ang isinagawa ng NCRPO laban sa wanted persons at 587 katao ang naaresto, samantalang may 84 raids naman vs loose firearms at nakakumpiska ng aabot sa 77 armas. Hamakin mo kung napunta sa mga kamay ng mga talipandas itong mga nakumpiskang baril eh di sasakit ang ulo ng kapulisan, di ba PNP chief Gen. Archia Gamboa Sir?

Sa report ni Sinas kay Gamboa, nagsagawa rin sila ng 84 operations vs illegal gambling, lalo na ang tupada at POGO, at naaresto ang 1,141 katao, at umabot sa P605,150 cash bets ang nakumpiska. Hak hak hak! Kahit may COVID pala, hindi rin ligtas ang mga drug syndicates at kriminal sa mga tauhan ni Sinas, ‘no mga kosa? Kaya stay at home lang mga kosa para ligtas na kayo sa huli ng mga pulis, at lalong ligtas din kayo sa COVID! Abangan!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with