^

Punto Mo

Hula hoop club sa India, umani ng 4 na world records

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG hula hoop club sa India ang nagdiriwang ngayon matapos na apat sa kanilang miyembro ang nagtala ng kanya-kanyang bagong Guinness World records.

Ayon sa Guinness, ibang klase na ang galing sa pag-hula hoop ng apat  na miyembro ng Chennai Hoopers, isang hula hooping club sa Chennai, India, kaya apat na world records din ang kanilang inani.

Makikita sa video na ibinahagi ng Guinness ang pag-hula hoop ng 11-anyos na si RS Janai, gamit ang kanyang siko. Nagawa niyang paikutin sa siko niya ang hula hoop ng 24 beses sa loob ng isang minuto.

Makikita rin sa video kung paano pinaikot ng 16-anyos na si Tarun ang hula hoop sa kanyang mga tuhod ng 194 beses sa loob lang din ng isang minuto.

Naitala naman ng 8-anyos na si E Guru Prasath ang world record para sa pinakamaraming ikot ng hula hoop sa leeg, nang makumpleto niya ang 211 na ikot sa loob ng isang minuto.

Hindi naman papahuli ang 15-anyos na si Lalith Anisshvar, 15, matapos paikutin sa kanyang braso ng 220 beses ang hula hoop sa loob ng isang minuto.

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with