^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (107)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAKALIPAS ang isang linggo ay pi­nauwi na ng kaibigang doktor si Jonas. Pero payo ng doktor, magpahinga pa rin sa bahay at huwag munang papasok sa trabaho. Kaila-ngang magaling na magaling bago gumawa.

Ang lahat ng instruksiyon ng doktor ay narinig ni Ziarah kaya nang sila ay umuwi sa bahay, pinapayuhan niya si Jonas.

Nang bumaba sila sa Grab taxi ay todo pag-iingat na siya rito at sinasabihan niya na magdahan-dahan sa paghakbang.

“Kumapit ka sa akin Kuya at baka ka matumba. Hindi ka pa lubuysang ma-galing sabi ng doktor kaya dapat hinay-hinay…’’

Inalalayan niya si Jonas papasok ng gate.

Naalala ni Jonas ang kan­yang kotse na nasa parking pa ng restaurant.

‘‘Dapat makuha ko na ang kotse, baka puro alika­bok na ‘yun.’’

“Wala ka bang mapapakiusapan Kuya para kumuha ng kotse. Mahihirapan ka pang mag-drive. Kung marunong lang akong mag-drive, ako na ang kukuha nun.’’

Nag-isip si Jonas.

“A tatawagan ko na lang ang messenger namin. Marunong mag-drive yun. Sa kanya ko ipakukuha  ang kotse.’’

“Mabuti pa Kuya.’’

Nang nasa loob na sila ng bahay, maingat na iniupo ni Ziarah sa sopa si Jonas.

“Dito ka na muna sa sopa Kuya. Mukhang mahihirapan ka sa pag-akyat. Isa pa lilinisin ko ang room mo.’’

“Sige.’’

“Siyanga pala Kuya, ano ang gusto mong kainin sa lunch?’’

“Tinolang manok.   Gusto ko mainit na sabaw.’’

“Sige Kuya.’’

“Pero dapat ay pumasok ka na sa klase mo. Nakakahiya na puro absent ka dahil sa akin.’’

“Hindi bale Kuya. Pagmedyo magaling ka na, saka ako papasok. Hindi kita puwedeng iwanan.’’

“Salamat Ziarah.’’

 (Itutuloy)

 

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with