^

Punto Mo

Sir, I love you, Sir!

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG military commander ang may apat na taong gulang na anak na lalaki. Charming ang bata ngunit kadalasan ay malikot ito at makulit. Minsan ay pinaiyak nito ang pinsang babae dahil sa pag-aagawan ng laruan. Nakita iyon ng ama. Pagkaalis ng mga bisita ay kinausap ng masinsinan ang anak. Pinangaralan ito ng tamang pakikisama sa kapwa.

“Simula sa araw na ito, iwasan mo nang mang-away ng kahit sino. Okey?”

“Yes Daddy.”

“Huwag mo ako tawaging Daddy. Call me Sir. Kapag kina­kausap mo ako, simulan mo ito ng sir at tatapusin mo ang pangu­ngusap ng sir. Halimbawa, Sir, ibili mo ako ng laruan, Sir! O, naintindihan mo ako?”

“Sir, opo, Sir!”

Minsan may dumaan na sorbetero sa tapat ng bahay. Na-excite ang bata at nakalimot sa lecture ng kanyang ama.

“Daddy, ibili mo ako ng ice cream.”

“O, may nakalimutan ka. Ano ang pinag-usapan natin kapag kinakausap mo ako?”

Nag-isip ang bata.

“Sir, ibili mo ako ng ice cream, Sir!”

Narinig iyon ng sorbetero. Napangiti ito na medyo nagtataka. Lumipas ang mga araw, natutuhan na ng bata ang military style ng pakikipag-usap sa ama. Isang umaga ay bigla na lang isinugod sa ospital ang ama. Sumakit ang tiyan nito matapos dumalo sa isang birthday party. Lingid sa kanyang kaalaman ay na-food poison siya sa kilawing seafood na isinilbi sa party.

Pagkaraan ng ilang araw ay umuwi na ito mula sa ospital. Nasa pintuan pa lang ay kumarga na ito sa ama sabay yakap nang mahigpit.

“Sir, I love you, Sir. Sir, ayokong mamatay ka, Sir.”

Natulala ang ama. Noon lang niya napagtanto na “kagaguhan” ang itinuro niya sa anak. Awkward palang pakinggan. Nagmumukhang tanga ang anak niya. ‘Yung pagsalitain niya na parang sundalo ang kanyang anak ay maling-mali. Para sa kanyang anak, dapat ay isa siyang malambing at maunawaing ama. Gamitin lang niya ang pagiging military commander kapag naka-duty at kapiling ang kanyang mga sundalo.

Marami tayong ginagampanang role sa buhay. Dapat ay i-adjust natin ito base sa sitwasyon at mga taong nakakasalamuha upang maging maligaya. Kung iisa lang palagi ang role na gagampanan mo sa buhay, life will become difficult and sad.         

vuukle comment

MILITARY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with