^

Punto Mo

‘Yang panghihiya sa bata

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SAKSAKAN ng burara noong nasa elementarya pa lang si Daniel Webster, ang author ng Webster Dictionary. Lagi siyang dumarating sa school na nanggigitata ang damit dahil dumaraan muna siya sa parke para maglaro.

Isang araw, napuno na ang guro at pinagalitan si Daniel sa harapan ng kanyang mga kaklase.

“Napakadungis mong bata ka. Nakakadiri ka! Anong ginawa­ mo at napakarumi ng mga kamay mo!”

Sa sobrang hiya, ipinahid ni Daniel ang kanyang kanang kamay sa kanyang pantalon at gilid ng t-shirt para mabawasan ang dumi nito. Napansin iyon ng guro.

“Kung may maipapakita ka sa akin na mas marumi pang kamay, hindi kita papaluin at pauuwiin.”

Inilabas ni Daniel ang itinatagong kaliwang kamay na mas madungis pa kaysa kanan. Sinunod­ lang niya ang kagustuhan ng guro na makakita ng mas marumi pa roon sa kanyang kanang kamay tapos ito pa ang may ganang mamalo.

Naging abogado si Daniel at sinuwerteng maging representative ng New Hampshire at Massachusetts sa U.S. Congress.

Nang magtagal ay naging U.S. Secretary of State sa ilalim ng administrasyon nina Presidents William Henry Harrison, John Tyler, at Millard Fillmore. Sinulat niya ang first dictionary, na nalathala noong 1806, tinawag itong “A Compendious Dictionary of the English Language”.

Sinasabing eccentric si Daniel noong bata pa. Kakaiba ang kanyang inuugali kumpara sa “normal” na mga bata ngunit hindi ito dahilan para sila hiyain at maliitin ng kanilang mga magulang at guro. Ayon sa research, ang eccentric na mga bata ay kadalasang lumalaking geniuses.

“I’d rather be a little weird than all boring.” --Rebecca McKinsey

vuukle comment

BATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with