^

Punto Mo

COVID-19 waiver, maari bang papirmahan sa mga empleyado?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Pinapapasok na po kami sa aming trabaho ngunit nabalitaan ko na pagbalik daw namin ay papapirmahin kami ng waiver kung saan nakalagay na walang pananagutan ang kompanya kung sakaling kami ay mahawa ng COVID-19 habang kami ay nasa trabaho. Tama po ba ito? Kung sakaling pirmahan namin ang waiver, wala ba talagang magiging pananagutan ang kompanya? -- Annie

Dear Annie,

Walang saysay ang waiver na gustong papirmahan sa inyo ng employer niyo at labag ito sa batas kung gagawing requirement ang pagpapapirma nito upang kayo ay makabalik sa trabaho.

Base kasi sa Interim Guidelines on Workplace Prevention and Control of COVID-19 mula sa DTI at DOLE, responsibilidad ng mga employer na gawing ligtas ang lugar ng trabaho mula sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagbibigay ng face masks sa mga empleyado, regular na pag-disinfect sa mga kagamitan, pagpapatupad ng social distancing, at iba pang mga pag-iingat laban sa coronavirus.

Walang magiging epekto ang pagpirma niyo ng waiver sa responsibilidad ng employer na tuparin ang mga obligasyong ito kaya mananagot pa rin sila kung sakaling may mahawa ng coronavirus sa inyo habang nasa trabaho at mapatunayang hindi nila sinunod ang mga panuntunan ng gobyerno ukol sa COVID-19, kahit pa pumirma kayo ng waiver.

Hindi rin kailangan ng waiver kung ang layunin lang naman ng employer ay makaiwas sa pagbabayad sa pagpapa-ospital ng mga empleyado niyang magkakasakit. Nakasaad naman kasi sa Labor Advisory No. 4-2020 na ang SSS at Philhealth ang sasagot sa pagpapa-ospital ng empleyado. Mananagot lang ang employer sa pagpapa-ospital ng empleyado kung hindi niya binabayaran ng tama ang buwanang SSS at Philhealth contribution ng kanyang mga empleyado.

Labag naman sa batas kung ipipilit nilang kondisyon ang pagpirma ng waiver sa pagbalik niyo sa trabaho kaya maari silang ireklamo ng illegal dismissal kung sakaling tanggalin kayo dahil sa pagtanggi niyong pumirma.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with