^

Punto Mo

Krimen patuloy sa pagbaba!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ang pagbaba ng krimen partikular sa Metro Manila ang isa sa masasabing naging magandang dulot nang ipinatupad na enhanced community quarantine ( ECQ).

Ayon sa PNP bumagsak sa 34 na porsiyento ang krimen sa bansa.

Mula lamang noong Marso 17 hanggang Abril 30, kung saan ipinatupad ang ECQ sa buong Luzon, nakapagtala ang PNP ng 38,484 crimes.

Ito ay mababa ng may 34.45 percent kumpara sa naitalang krimen noong Pebrero 1 hanggang Marso 16 na 58,705.

Siyempre isa sa dahilan kung bakit nangyari ito ay dahil na rin sa restricted movement ng publiko, kasama na rin dito ang maraming bilang ng mga pulis at force multifliers sa mga lansangan, isama pa ang pag-ban sa alak.

Lumabas pa sa PNP data, na ang mga index crime tulad ng murder, homicide, physical injury, robbery, rape, theft at carnapping ay bumaba rin sa 60.49 percent buhat sa 6,756 ay naging 4,086.

Umaasa rin ang PNP na sana ay magtuluy-tuloy ang ganitong pangyayari kahit patungo na nga tayo sa new normal.

Sana kung magbalik na sa normal, manatili ang mataas na bilang ng mga pulis sa lansangan na magbabantay sa ating mga kababayan.

Epektibo talaga laban sa krimen ang police visibility.

Magkakaalaman ‘pag bumalik na tayo sa dati, malamang bumalik na rin sa lansangan ang mga kriminal at ‘yan ang dapat na maagapan.

Hindi na dapat makaporma ang mga ito, kaya nga dapat na rin itong mapaghandaan lalo na na’t matagal silang nagpahinga at nawalan nang pinagkakitaan.

Ito ang malaking hamon na kakaharapin na naman ng PNP, matapos na isa rin sa  naging frontliner sa pagsailalim ng bansa sa state of health emergency dahil sa COVID-19.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with