^

Punto Mo

Preso sa Chicago, nakatakas gamit ang face mask

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG detainee sa Chicago ang nakatakas sa bilangguan matapos siyang magpanggap na ibang preso sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask.

Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad ang 22-anyos­ na si Jahquez Scott, na pinalaya matapos akalaing isa siya sa mga presong maari nang lumabas matapos makapagpiyansa.

Pinangakuan daw ng bayad ni Scott ang isang presong nakatakda nang palayain para hayaan nito si Scott na magpanggap bilang siya at makalabas ng kulungan.

Nakasuot kasi ng face mask si Scott kaya madali niyang naisagawa ang kanyang pagpapanggap.

Nalaman na lang ng staff ng bilangguan na ibang preso ang kanilang pinakawalan nang lumapit sa kanila ang presong hiniraman ng pagkakakilanlan ni Scott at iginiit ang karapatan niyang lumaya.

Hanggang ngayon, pinaghahanap pa rin si Scott samantalang ang kakutsaba niyang preso ay nakapiit pa rin dahil sa naging parte niya sa ginawang pagtakas.

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with