^

Punto Mo

EDITORYAL - Ang OFWs at ang PhilHealth

Pang-masa
EDITORYAL - Ang OFWs at ang PhilHealth

HINDI naman nararapat na sapilitan o mandatory ang paghuhulog ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Kung sino lang ang may gustong maghulog at hindi yung oobligahin ang lahat ng OFWs para mag-contribute. Kawawa naman ang OFWs na kakaunti ang sahod at sapat lang para sa pamilya. Nang umusok ang balita na tataasan at mandatory na ang paghuhulog ng OFW sa PhilHealth, maraming tumutol. Agad nanghimasok si President Duterte sa usapin at sinabing gawing boluntaryo ang paghuhulog ng OFWs sa PhilHealth. Tumalima naman ang PhilHealth sa utos.

Kung hindi napigilan ang PhilHealth, tiyak kawawa na naman ang mga OFWs na naghulog ng premium sa PhilHealth pero hindi naman sigu­radong mapapakinabangan. Sino ba naman ang gustong magkasakit para magamit ang pagiging miyembro ng PhilHealth. Ang masakit pa, ayon sa mga OFW, hindi iisyuhan ng Overseas Workers Certificate mula sa OWWA kapag hindi nagbayad ng contributions sa PhilHealth. Isa pang lumutang na problema, may interest kapag hindi nagbayad sa tamang petsa ang OFW.

Nararapat na boluntaryo ang pagbabayad dito sapagkat marami sa OFWs ang kakarampot lang ang kinikita sa abroad. Halimbawa sa Saudi Arabia, may mga OFW doon na kumikita lamang ng 1,000 Saudi Riyals sa isang buwan, tapos magbabayad pa siya ng premium sa PhilHealth, ano pang matitira sa kanya. Maraming OFW na kulang na kulang ang naipadadalang pera sa pamilya tapos magbabayad pa para sa PhilHealth.

Maraming OFWs ang nagsabi na hindi na sila kailangan pang maghulog sa PhilHealth sapagkat mayroon silang health insurance sa pinagtatrabahuhang kompanya. Sinasagot umano ng employer nila ang pagpapaospital sakaling sila ay mag­kasakit. Kaya hindi na nila kailangan ang PhilHealth.

Sa pagresolba ng Presidente sa isyu ng PhilHealth contributions ng OFWs dapat isapormal ang kanyang utos. Magkaroon ng memorandum o guidelines ukol dito para ganap na matahimik ang kalooban ng OFWs na nabagabag sa isyu.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with