^

Punto Mo

Tagal ng epidemya

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

TILA naman hindi madalas maganap ang mga epidemya o pandemya tulad ng COVID-19 pero kapag nangyayari naman ito ay tumatagal naman ng maraming buwan at taon depende kung gaano katagal bago makatuklas ng epektibong gamot o bakuna laban sa mga ito.

Disyembre 2019 nagsimula sa Wuhan sa China ang COVID-19 hanggang kumalat sa buong mundo kasama na ang Pilipinas at hanggang ngayon ay patuloy ang pagdami ng mga nahahawahan  at namamatay sa  ganitong sakit.  Mahigit apat na buwan na pero wala pa ring natutuklasang bakuna laban sa COVID-19 bagaman sinusubukan ng mga kinauukulan ang ilang umiiral nang gamot sa ibang mga sakit na dahilan para gumaling ang ilang pasyente. Hindi nga lang pinalad ang iba na namatay habang nakikipaglaban sa sakit.

Habang isinusulat ang kolum na ito, umabot na sa 3.2 milyong tao sa buong mundo ang nahawahan ng COVID-19, batay sa dashboard ng John Hopkins University. Sa bilang na ito, mahigit 980,000 ang gumaling at halos 230,000 ang namatay.

Ayon sa isang ulat ng Fox News, bago itong COVID-19 ay may limang itinuturing na deadliest pandemic at epidemic na sumalanta sa buong mundo. Kabilang dito ang Antonine Plague, Plague of Justinian, humanimmunodeficiency virus / acquired immune deficiency syndrome (HIV/AIDS), Spanish Flu, at Black Dead.

Limang milyong tao ang namatay sa Antonine Plague sa buong mundo mula noong taong 165 AD hanggang 180 AD. Sinasabing nagmula ito sa China at kumalat sa buong Roman Empire. Kabilang sa sintomas nito ang pagdudumi, ubo, lagnat, panunuyo ng lalamunan at papules.

Sa Plague of Justinian, 25 milyon ang namatay mula taong 540 AD  hanggang 542 AD. Umaabot sa 100,000 tao bawat araw ang namamatay sa sakit na pinaniwalang dala ng isang barko na pinepeste ng mga daga at patungong Egypt at kumalat sa Europe, Asia at Africa.

Itinuturing namang peak years ng HIV/AIDS ang mga taong 2005-2012. Umaabot sa 36 milyon ang namatay sa sakit na ito na ipinalalagay na nagmula sa bansang Congo nang ang virus ay sumalin mula sa chimpanzee patungo sa tao noong 1920 at nagsimula lang kumalat sa Amerika noong early ‘80s.

Sa Spanish Flu na sumalanta sa mundo noong 1918 hanggang 1920, sinasabing 50 milyong tao ang namatay. Pinaniniwalaang una itong lumitaw noong 1916 sa isang British army hospital sa Etaples, France at maaari umanong mga ibon ang sanhi nito.

Tinataya namang mula 200 milyon hanggang 50 milyong tao ang namatay sa Black Death noong 1347-1353 AD. Pinaniniwalaan ng maraming iskolar na nagmula rin ito sa Asia bagaman nagsimula itong kumalat sa Europe noong Oktubre 1347. Kabilang sa sintomas ang high fever, chills, vomiting at diarrhea. Pinaniniwalaang  kumalat ito mula sa pulgas ng daga pero kinalaunan ay ipinalalagay na kumalat ito mula sa human fleas at body lice.

Email: [email protected]

vuukle comment

EPIDEMYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with