^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (9)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘SINO ang kasama mo sa bahay, Kuya Jonas?’’ Tanong ni Ziarah makalipas ang ilang minuto. Mayroon nang buhay sa tinig ni Ziarah makaraang sabihin ni Jonas na pag-uusapan nila pagdating sa bahay ang tungkol sa hini­hingi niyang tulong.

‘‘Wala. Nag-iisa lang ako.’’

‘‘Wala kang magulang o kapatid, Kuya?’’

‘‘Wala. Ulilang lubos din ako katulad mo. Wala ring kapatid. Inampon ako ng tiyahin ko. Kaya nga ako umuwi sa probinsiya ay dahil namatay ang tiyahin ko na itinuring kong ina.’’

“Ay ganun pala kaya ka naroon sa probinsiya. Nakikiramay ako Kuya.’’

‘‘Salamat.’’

‘‘Ulilang lubos ka rin pala Kuya. Ang hirap nang walang ama at ina ano Kuya?’’

“Oo. Pero sa kaso ko, minahal ako ng umampon sa akin. Parang tunay na anak ako. Pinag-aral ako hanggang makatapos ng kolehiyo. Kaya malungkot na malungkot ako nang mamatay si Tiya Aurora.’’

Biglang napahinga nang malalim si Ziarah. Saka tumi­ngin sa labas ng bintana.

At saka nagsalita. May pang­hihinayang sa boses.

“Kung hindi namatay ang ina-inahan ko, baka nakatapos ako ng kolehiyo at hindi pagtatangkaan ng ama-amahan ko. Sana nga ay ang ama-amahan ko na lang ang na­matay at hindi ang ina-inahan ko. Mabuti ka pa Kuya at minahal ka nang nag-ampon sa’yo.’’

“Oo. Talagang minahal ako na parang tunay na anak.’’

“May mga anak din ang nag-ampon sa’yo Kuya?’’

“Meron. Parang tunay kong mga ka­patid din sila. Hindi nila ako itinuring na iba.’’

“Masuwerte ka talaga, Kuya.’’

Napatango na lang si Jonas.

Maya-maya pa, nasa boundary na sila ng Makati.

“Malapit na tayo.’’

Mga 20 minuto pa silang nagbiyahe at du­mating din sila sa bahay ni Jonas.

“’Yan ang bahay ko. Maliit lang. Nag-iisa lang naman kasi ako,’’ sabi ni Jonas nang nasa harap na sila ng bahay.

“Ang ganda!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with