^

Punto Mo

Ano ang ibig sabihin ng pagiging ‘co-maker’ sa isang utang?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nakiusap po ang aking kaibigan na maging co-maker sa loan niya noong isang taon. Dahil may tiwala naman po ako sa kanya ay pumayag ako. Ngayon po ay nakakatanggap na ako ng mga sulat mula sa lending­ company na nagsasabing hindi na raw nakakabayad ang aking ka­ibigan at binabalaan nila ako na kung sakaling hindi ko mabayaran ang utang bilang co-maker, mapipilitan silang isama ako sa deman­dang isasampa nila. Hindi ko na po mahagilap ang aking kaibigan. Ano po ba ang mga pananagutan ko bilang co-maker at may magagawa ba ako sakaling habulin ng lending company? --Aileen

Dear Aileen,

Kailangan mong tingnan ang loan contract na pinirmahan mo bilang co-maker. Kung ang mga katagang “solidarily liable” o “jointly and severally liable” ay makikita sa kontrata, malamang na kailangan mong bayaran ang buong halaga na inutang ng iyong kaibigan. Nakasaad kasi sa Article 1207 na sa mga sitwasyon kung ilan-ilan ang pumirma sa isang pagkakautang, maari lamang ipapanagot sa isa sa mga ito ang buong obligasyon kung tahasan itong nakasaad sa napagkasunduan. Madalas ay ang mga katagang “solidarily liable” o “jointly and severally liable” ang ginagamit upang isaad na maaring habulin ang kahit isa lamang sa mga nakapirma upang papanagutin at pagbayarin para sa buong halaga ng inutang.

Kung wala naman ang mga kataga, maaring hindi ka pagbayarin ng buong halaga ng inutang ngunit bilang co-maker, siguradong may obligasyon ka pa ring kailangang panagutan kahit pa hindi ka naman nakinabang sa salaping hiniram ng iyong kaibigan.

Sa parehong sitwasyon, may karapatan ka namang habulin at sampahan ng kaso ang iyong kaibigan upang mabawi mo ang anumang halaga na naibayad sa lending company bilang co-maker­. Maaari ka ring magsampa ng kasong kriminal katulad ng estafa laban sa iyong kaibigan lalo na kung niloko ka niya para ikaw ay pumirma sa loan contract bilang co-maker.

vuukle comment

UTANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with