^

Punto Mo

Madlang Pinoy huwag matigas ang ulo para walang COVID

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

HUWAG matigas ang ulo, dapat sa haybol lang ang madlang people para makaiwas sa COVID 19 at hindi sila tamaan nito.

Ika nga, labanan kaya stay at home!

Ito ang payo at panawagan ni Kyusi Mayor Joy Belmonte the other day.

Ibinalita ni Mayora na may 29 madlang people ang positive sa virus mula sa mga barangay ng Kyusi kaya ingat-ingat tayo.

Kuento ni Mayora, mayroon sa Proj. 6 - (1), San Antonio -1, Bahay Toro-1, Del Monte-1, Maharlika - 1, San Isidro Labrador - 1, Bagong Silangan - 1, Socorro - 1, E Rodri­guez - 1, Old Balara - 2, Ugong Norte - 1, White Plains -1, Marilag - 1, South Triangle - 1, Paligsahan -1, Valencia - 1, BL Crame - 3, Kalusugan - 3, Dona Imelda - 1, Pasong Putik - 1, Bagbag - 1, Tandang Sora - 2, Pasong Tamo -1.

Kaya naman todo-bantay ang mga pulis para hindi makalabas o makapasok dito ang madlang people na tagarito kung wala namang importanteng lakad.

Bukod dito, binabantayan din ng mga pulis ang Barangay Kalusugan at Tandang Sora.

Bakit?

‘Hot zone!’

May mga guardya sibil din sa may East Avenue at E. Rodriguez  lalo na sa may St. Lukes area dahil may doctor at elevator personnel ang nagpositibo sa COVID.

Naku ha!

Kawawa naman.

Kambiyo issue, ikinatuwa ng mga health workers at binasbasan sila ng DOTr para bigyan sila ng libreng sasakyan na maghahatid at sundo sa kanilang pinapasukan ospital sa Metro-Manila.

Sabi nga, dapat tulungan ang mga health workers papunta sa kanilang mga hotraba sa gitna ng umiiral na Luzon-wide echanced community quarantine.

Hindi lang sa health workers ang libreng sakay kundi ma-ging sa NAIA ay nagbigay rin ng libreng sakay sa mga OFWs na dumarating galing abroad.

Sabi nga, alamin at magtanung-tanong sa mga taga-airport kung nasaan ang mga buses na nakaparada waiting for them para sa free ride.

May mga lugar na sakayan at babaan ang mga buses na ikinasa para sa mga OFWs.

Ano sa palagay ninyo?

Sabi nga, happy!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with