^

Punto Mo

Ang mga sindikato ng VUA

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NAAPEKTUHAN ng malaki ang mga nagsasabwatang sindikato na may operasyon sa Bureau of Immigration dahil sa pagpasok sa Philippines my Philippines ng deadly 2019 novel coronavirus.

Bakit? 

Apektado ang mga kliente nila alyas Dennis ‘pisngi” ang tinatawag ngayon’ CORONAVIRUS KING’ sa NAIA, , mga Fil - Chinese women na sina alyas Betty ‘chuwawa’ at alyas Annie ‘unggoy’  sila ang mga reyna ng mga Chinese national na facilitators ng ‘visa upon arrival’ at top operator ng VUA section sa BI main office sa Maynila. 

Si alyas Dennis ‘pisngi’ o coronavirus king ang tumitira ng ‘escort for a fee’ ng mga Chinese nationals arriving at NAIA international terminals. 

Tama ba, Mr. Buddy ‘samura’? 

Ayon sa mga binukulan ni ‘coronavirus king’  hindi nagbayad ito sa ipinangakong salapi sa kanyang mga kinutsabang taga-pukpok sa Chinese passports. 

Sabi nga, nambukol ang gago! 

Ayon sa mga nagsumbong, inipit nila si alyas Dennis ‘pisngi’ sa hindi pamumudmod sa pangakong salapi dahil ang amo niyang si alyss Buddy ‘samura’ “ay hindi raw siya binayaran ng P3 million? 

Naku ha! 

Totoo kaya ito? 

Kung totoo man ang mga sinasabi ni alyas Dennis ‘pisngi’ nasaan ang P7 million perang hawak pa niya dahil ang kinita nito sa mga sinasalubong niyang mga Chinese nationals ay P10 million. 

Puera pa rito ang mga kliente ni Dennis ‘pisngi’ na mga bumbay kung saan tumiba ito ng todo-todo. 

Dapat kalusin na ni Commissioner Jaime Morente ang jamoteng ito bagi nahuli ang lahat at pati siya ay ilaglag ni ‘coronavirus king.’

Advised lang Commissioner Morente bukod sa mambubukol si alyas Dennis ‘pisngi’ ugali rin nitong manglaglag ng kapwa at baka ikaw yon.

Ano ngayon ang dapat gawin ?

Sipain muna !

Abangan. 

-oooooo-

Concert for a cause !

Nagsanib puwersa at nagkapit bisig ang Muntinlupa City Masonic Lodge No. 414 at ang Mina de Oro Shriner Club para sa kanilang ‘concert for a cause !’

Kailan at saan ?

Sa March 26, 2020 (Thursday) at 9pm dyan sa 19 East Bar and Grill, 0019 Service Road Sucat, Muntinlupa City.

Ang tiket ay P1K with 2 bottles of beer.

Ika nga, libre ito !

Sino ang mga performers ?

True Faith, Paolo Santos, Pido, Atty. Bong Baybay at Atty. Wowie Posadas.

Sina Kuyang Biyong Garing ang pasimuno ng konsierto sa nasabing petsa.

Abangan.

vuukle comment

VUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with