^

Punto Mo

Sugar Mommy (272)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

IKINUWENTO ni Jericho kay Sammy na nagkasundo na sila ni Jane kung gaano katagal ang pagtatrabaho roon. Mga dalawang taon na lang ang ilalagi niya sa Riyadh at babalik na siya sa bansa para tuluyan na silang magkasama ni Jane.

“Pagbalik ko after two years, magpapakasal na kami. Tama na ang dalawang taon. Ang gusto nga niya ay huwag na akong bumalik doon. Pero ang sabi ko, kasama kita at kailangan ay maituro ko sa’yo lahat ng mga trabaho roon. Hindi puwedeng basta iwan na lang kita roon. Masisira naman ako kay Abdulaziz. Malaki pa naman ang tiwala sa akin ng may-ari.’’

“Salamat Jericho at ina­alalayan mo ako. Wala akong kamuwang-muwang dun. Kailangan ko talaga ang patnubay mo. Hindi ako makakapag-isa kung wala ka.’’

“Naks ha, ang lalim naman ng Tagalog mo, Sammy.’’

 “Totoo Jericho. Ikaw ang inaasahan ko.’’

“Huwag kang mag-alala at hindi kita iiwan sa Riyadh na hindi mo kabisado ang lahat. Ikaw ang magmamana ng trono ko roon.’’

“Salamat, Jericho.’’

“Mga dalawang taon kitang iga-guide at siguro naman sa tagal na iyon ay kabisado mo na ang lahat.’’

“Oo naman. Mahaba pa ang two years Jericho. Tingin ko, six months lang ay alam ko na lahat.’’

“Galing! Kapag nangyari ‘yun, makakasundo mo si Abdulaziz. Napakabait ng taong ‘yun. Sa lahat ng Saudi na nakilala ko, siya ang pinakamabait at pinakamatulungin. Malapit sa kanya ang mga Pinoy. Ikinukuwento nga niya na ang mga household workers niya pawang mga Pinoy. ‘Yung lima niyang maid ay Pinay at ang dalawang drivers ay Pinoy. Mga mag-asawa ang mga house holdworkers niya. May mga sarili raw bahay sa likod ng mansion niya.’’

“Mabait pala talaga si Abdulaziz, Jericho.’’

‘‘Super bait siya, Sammy.’’

‘‘Hindi katulad ng ibang amo na malupit, Jericho?’’

“Oo. Kakaiba si Abdu- laziz. Malayung-malayo siya sa ugali ng mga ibang Arab gaya ng mga Kuwaiti. Ang mga Kuwaiti ay mga walanghiya at inaabuso ang mga Pinoy.’’

“Gusto ko nang makaharap si Abdulaziz, Jericho.’’

“Malapit na, Sammy. Kaya magsimula ka nang mag-empake. Kapag tumawag si Abdulaziz sa mga susunod na araw, siguaradong aalis na tayo.’’

“Sige Jericho, mag-eempake na ako.’’

MAKALIPAS ang isang linggo, paalis na sina Jericho at Sammy. Tanging si Jane ang naghatid sa kanila sa NAIA. Ang mga magulang ni Jericho ay hindi na sumama. Pati ang nanay ni Sammy ay hindi na rin sumama sa paghatid.

Mainit ang pagpapaalaman nina Jericho at Jane. Parang maiiyak si Jane.

“Tatawagan agad kita, Jane or magme-message ako sa FB.’’

“Mag-ingat ka lagi.’’

“I love you Jane.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with