^

Punto Mo

‘Same-sex marriage’, usaping moral

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

IBINASURA ng Korte Suprema ang isang petisyon upang gawing ligal ang kasal ng magkaparehong kasarian o “same-sex marriage.” Ang petisyon ay inihain ng isang baklang abugado na nagnanais na alisin sa Family Code ang prohibisyon laban sa “same-sex marriage.” Sa ngayon, ligal na ang kasal ng magkaparehong kasarian sa 28 bansa, kasama na rito ang US. 

Binanggit ng Korte Suprema ang ginawang pagrespeto ng mga tagasuporta ng “same-sex marriage” sa US sa tinatawag na “hierarchy of courts.” Dumaan muna sila sa mabababang hukuman bago nila isinampa ang kaso sa kanilang pinakamataas na hukuman na kumatig sa kanilang petisyon. Kaya ngayon ay ligal na ang “same-sex marriage sa 50 estado ng US.

Sinabi ng ating Korte Suprema na responsibilidad ng Kongreso na magpasa ng malinaw na batas tungkol dito, sapagkat wala namang sinasabi ang ating kasalukuyang Konstitusyon na ang kasal ay nasasalig sa sex, gender, sexual orientation, gender identity o expression. Kaya, hindi nakapagtataka kung sa malao’t madali ay maging ligal na rin ang “same-sex marriage” dito sa Pilipinas!

Maaaring maging ligal, ngunit puwede bang maging moral?  Ang ligal ay nababase sa batas. Ang moral ay nababase sa pamantayan ng tama at mabuti na tinatanggap ng isang lipunan.  Sa isang lipunang Kristiyano, ang moral ay naaayon sa kautusan ng Diyos, lalo na sa Sampung Utos, at sa mga utos at halimbawa ni Hesus. Samakatuwid, hindi komo ligal ay moral. Maaaring gawing ligal maging ang isang bagay na labag sa pamantayan ng moralidad.

Kung mayroon mang isang napakalinaw sa kautusan ng Diyos, ito’y ang tungkol sa pagpapakasal ng lalaki at babae. Ang Diyos mismo ang nagsagawa ng kauna-unahang kasal sa kasaysayan—ang kasal nina Adan at Eba.  Ganito ang wika sa Genesis 1:27-28, “Kaya’t nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kanyang sariling larawan… Sila’y kanyang nilalang na lalaki at babae. Sila’y binasbasan ng Diyos at sa kanila’y sinabi ng Diyos, ‘Kayo’y magkaroon ng mga anak at magpakarami…’” Kaya’t ang unang layunin ng kasal ay ang pagkakaroon ng supling ng mag-asawa. Paano magkakaroon ng supling ang mag-asawang may magkaparehong kasarian? Maging ang mga hayup ay sinusunod ang kautusang ito, sapagkat walang mag-asawang hayup na may magkaparehong kasarian.

Ganito naman ang sinabi ni Hesus sa Mateo 19:4-6, “Ngunit siya’y sumagot at sinabi, ‘Hindi ba ninyo nabasa na ang lumikha sa kanila buhat sa pasimula ay nilikha silang lalaki at babae?’ at kanyang sinabi, ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at makikisama sa kanyang asawa, at ang dalawa ay magiging isang laman,’” Kaya’t napakahirap paniwalaan ang katwiran na ang kasal sa pagitan ng lalaki at babae ay bahagi lamang ng kultura, at hindi ipinag-uutos ng Diyos.

Moral ba ang pagsasama bilang mag-asawa ng magkaparehong kasarian?  Ganito ang wika sa Levitico 18:22, “Huwag kang sisiping sa lalaki na gaya ng pagsiping mo sa babae; ito ay karumal-dumal.” Sa Englsih ay abomination. Ibig sabihin, kasuklam-suklam, kakila-kilabot, kadiri-diri.

Ang isyu ng “same-sex marriage” ay isang usaping naghahati ngayon sa mga simbahang Kristiyano sa buong mundo, kasama na ang Pilipinas. Hindi ko maubos-maisip na ito ang isyung hahati sa mga simbahang Kristiyano, sa halip na isyu tungkol sa pananambahan at kaligtasan.

Lagi nating alalahanin ang winika ni Hesus sa Mateo 10:16, “…kaya’t maging matalino kayong gaya ng mga ahas at maamong gaya ng mga kalapati.”

 

vuukle comment

SAME-SEX MARRIAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with