^

Punto Mo

Dept. of OFW bakit wala pa?

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KAYSARAP pakinggan ng mga plano’t pangako ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga Pinoy na ire-repatriate sa Pinas. Posible raw kasing kumalat ang gulo sa ibang bansa sa Middle East. Para masiguro ang kaligtasan ng mga OFWs, hinihikayat na ng gobyerno na bumalik sa Pinas ang mga ito.

Ang tanong, anong trabaho ang maibibigay ng ating pamahalaang nasyonal at lokal sa mga ito? Paano ang mga OFW at pamilya nito pagbalik agad ng bansa? Ano ang ispesipikong programa ng gobyerno upang siguruhin ang kanilang kabuhayan sa Pinas?

Eto na ang mga armchair general, nagsilabasan na’t kanya-kanya na ng pananaw. Hindi naman talagang mga bihasa’t eksperto, nagsasalita sa solusyon para sa mga OFW na mawawalan ng trabaho pagbalik ng Pinas.

May nangangako na maghahanap ng “alternative country” o “relocation”. Ang mga target na bansang pagtatrabahuhan ay Japan, Russia, China, Canada, Germany. Iyon ay kung may opening. Paano kung wala? Baka mauwi lang sa pangako?

Tanong ulit, nakipag-ugnayan na ba ang Pinas sa mga nabanggit na bansang sasalo sa mga OFW kapag sila’y na-displace? Nangako na ba ang mga bansang ito o may kasunduan na sa planong ito? 

Tunog kapani-paniwala, madaling sabihin pero mahirap gawin. Kaya wala sanang lokohan dito. Ang hirap kasi sa kasalukuyang sitwasyon, ang daming kumikiyaw-kiyaw. Ang daming ahensiya’t taong involved na dinadaanan.

Kaya importanteng magkaroon na ng tinatawag na Department of OFW. Isang tao ang in-charge, diretso sa Presidente ang reporting. Iyang Philippine Overseas at Employment Agency (POEA) at maging ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), sa ilalim na rin ng departamentong ito.

Sa lawak ng saklaw ng DOLE, may mga sistemang nagpapabagal sa pagtugon sa pangangailangan at pagsagip sa mga nagpapasaklolong manggagawa sa ibayong dagat.

Kung sa Pilipinas pa lang, di na magkamayaw ang DOLE sa pagresolba ng mga problema’t reklamo ni Juan dela Cruz. Kailangan ng ispesipikong tanggapan na tututok sa isyu ng mga OFW.

Bakit nga ba hindi pa nangyayari ang marching order ni President Digong na dapat December 2019 ay nakatatag na ang Department of OFW? Anyare? May pumipigil bang untouchables o miyembro ng exclusive club na natatakot mawalan ng raket o makastigo kapag sumailalim sila sa departamentong ito?!

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with