^

Punto Mo

‘Judgement call’ ni Binag, epektib vs droga!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

KUNG naging epektibo ang programa na “judgement call” ni Maj. Gen. Cesar Binag noong director pa siya ng PRO6 sa Western Visayas, bakit hindi ito subukang i-implement ng liderato ng Philippine National Police (PNP)? Bumaba kasi ng halos 50 porsiyento ang krimen sa Western Visayas sa mahigit isang taon na panunungkulan ni Binag kaya maging ang Palasyo ay nagulat at nagtatanong kung ano ang diskarte niya. Si Binag sa ngayon ay hepe ng Directorate for Information and Communication Technology Management (DICTM) kung saan may proyekto ang PNP na bilyones ang pondo.

May tiwala sa kakayahan ni Binag ang liderato ng PNP na hindi mapunta sa wala ang nakalaan nilang pitsa para sa proyekto kaya masasabi kong honest siya. Si Binag din mga kosa ang nag-ayos ng mga programa sa Firearms and Explosive Office (FEO) kaya ngayon ay may one-stop shop na sa pagkuha ng lisensiya ng baril at sa tinatawag na License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at ang pondo ay diretso sa kaban ng gobyerno dahil sa Land Bank ka magbabayad, ‘di ba mga kosa? Araguuyyy! At higit sa lahat, medyo gumaan ang proseso sa pagkuha ng gun license at LTOPF lalo na’t air-conditioned ang opisina ng one-stop shop. Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sa ilalim ng liderato ni Binag, napatay ang drug lord na si Melvin Odicta Jr., at asawa niya sa pantalan sa Aklan. Inaresto rin ang tatlong kapatid ni Odicta. At ang kinatakutan ng lahat na drug lord na si Richard Prevendido alias Buang ay naitumba rin. Dahil alam ng mga bataan nina Odicta at Buang na seryoso si Binag na linisin ang Western Visayas sa droga, aba nagliparan sila sa ibang lugar o nag-lie low dahil baka sumunod sila sa yapak ng mga amo nila.

Noong kasagsagan ng shabu operation nina Odicta at Buang, aba halos lahat ng sulok ng Iloilo ay may droga kaya tinawag ito ni Pres. Digong na “most shabulized” area ng bansa. At ang Iloilo City Mayor na si Jed Patrick Mabilog ay inakusahan ni President Digong na protektor ni Odicta kaya hayun lumayas na rin siya sa bansa, kasama ang pamilya. At dahil na-neutralize ang mga main players sa shabu operation sa Iloilo, bumaba ang bilang ng krimen at sa sobrang laki ng ibinaba nito marami ang namangha kung paano ito ginawa ni Binag.

Lumalabas lang talaga na droga ang dahilan sa pagtaas ng krimen sa bansa, di ba mga kosa? Araguuyyy! Hak hak hak! Kaya’t nasa tamang landas si Digong na puksain ang negosyo ng droga sa Pinas.

May limang factors ang “judgment call” program ni Binag at ang panghuli ay ang paggamit na ng baril. Kaya maging ang simbahang Katoliko ay hindi nag-ingay sa programa ni Binag, di tulad ng naunang proyekto ng PNP na tokhang na mahigpit pinag-aawayan ng mga grupong DDS at Dilawan dahil sa extra-judicial killings (EJK). Kung tanggap ng Simbahan ang “judgment call” ni Binag, baka ito ang solution sa pagpababa ng krimen sa bansa at napatunayan naman niya ito sa Western Visayas, di ba mga kosa? Abangan!

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with