^

Punto Mo

EDITORYAL – I bawal nang lubusan ang mga paputok

Pang-masa
EDITORYAL � I bawal nang lubusan ang mga paputok

KAHAPON, ilang minuto bago sumapit ang Pasko, maraming nagpaputok ng kuwitis at iba pang firecrackers kabilang na ang piccolo na paboritong paputukin ng mga bata. Nakapagtataka kung paano nakakabili ng kuwitis gayung ipinagbabawal ito sa ilalim ng Executive Order No. 28 na nilagdaan ni President Duterte noong Disyembre 2017.

At ang resulta, mayroon na namang naputukan dahil sa paputok. Bago mag-Pasko, may nadisgrasya na naman at tiyak na madaragdagan pa habang papalapit ang Bagong Taon. Kahit bawal, patuloy pa rin ang paggawa at pagbebenta ng mga paputok. Ayon sa report, mabibili na online ang mga paputok. Sabi ng Philippine National Police (PNP) hindi naman daw ito bawal basta susunod sa Republic Act No. 7183 o ang fireworks law.

Kung ganitong puwede pala sa online na makabili ng mga paputok, hindi nga maiiwasan na marami ang madidisgrasya. Patuloy na may mapuputulan ng daliri, braso at mabubulag dahil sa paputok. Hindi matutupad ang nais ng Department of Health (DOH) na “zero casualty” sa paputok kapag sasapit ang Bagong Taon.

Balewala rin ang EO 28 sapagkat marami pa rin ang gumagawa at nagbebenta. Sa ilalim ng EO 28, mahigpit na ipinagbabawal ang mga malalakas na paputok na gaya ng Sinturon ni Judas, Sawa, Superlolo, Bawang, Goodbye Earth at Goodbye Philippines at Bin Laden. Dapat isama na rin ang piccolo sa mga delikadong paputok. Noong nakaraang taon, ang piccolo ang may pinakamaraming naitalang pagkaputol ng daliri lalo sa mga bata. Mabilis lang bilhin ang piccolo sa mga tindahan sa kanto.

Paigtingin ng PNP ang pagsamsam sa mga malalakas at mapaminsalang paputok. Dapat ay doblehin nila ang pagkilos lalo na ngayong limang araw na lamang at Bagong Taon na. Dahil din sa mga paputok kaya nagkakaroon ng mga sunog. Hindi dapat hayaan ang mga paputok na ito na sirain ang papasok na taon.

Hiling kay President Duterte na ipagbawal niya nang lubusan ang mga paputok gaya nang ginawa niya sa Davao City. Hindi uubra ang kanyang EO 28 sapagkat pinagtatawanan lang ito ng mga gumagawa ng paputok. Balewala ito sa mga pasaway na negosyante.

vuukle comment

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with