^

Punto Mo

Sugar Mommy (226)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TATLONG tiklis ang mangga matapos ang pamimitas ni Jane. Mga manibalang na ang mangga. Kung kakainin lamang ang mga iyon, maaaring mabulok. Saan kaya dadal­hin ni Jane ang maraming mangga?

Maya-maya, nakita ni Jericho na lumabas ang dalagitang kasama ni Jane. Nag-usap ang dalawa. Nakita niyang itinuturo ni Jane sa dalagita ang mga tiklis. Hindi niya marinig ang sinasabi ni Jane.

Maya-maya pa, umalis ang dalagita. Saan kaya pupunta? Sa kilos ay tila inutusan ni Jane. Mabilis ang paglalakad ng dalagita na agad nawala sa paningin ni Jericho.

Si Jane naman ay sinimot ang ilang piraso ng mangga na tumalsik. Pagkatapos ay pinilian ang mga mangga sa tiklis. Inalis ang mga maliliit. Pawang ang magaganda at mahuhusay na mangga ang itinira.

Maya-maya pa, nakari­nig ng ugong ng traysikel si Jericho. Hanggang sa makita niya ang paparating na traysikel.

Habang papalapit ang traysikel, parang kilala niya ang nagmamaneho. At nang mapalapit pa, nakilala niyang si Sammy.

Sumundo ng traysikel ang dalagita at si Sammy ang nakuha.

Ikinarga ni Sammy ang mga tiklis ng mangga sa loob. Pagkatapos ay umangkas ang dalagita. Umalis na sila.

Nahulaan ni Jericho na dadalhin sa palengke sa bayan ang mga mangga.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with