^

Punto Mo

EDITORYAL - Bantayan ang Abu Sayyaf!

Pang-masa
EDITORYAL - Bantayan ang Abu Sayyaf!

HINDI masawata ang Abu Sayyaf sa kanilang pangingidnap. Patuloy pa rin sa kanilang negosyong kidnap for ransom. Ginagawa ang lahat para makakamal ng pera sa masamang paraan. Pumapatay kapag hindi naibigay ang ransom. Marami na silang nakamal na pera at marami na ring pinatay.

Ngayong idinaraos sa bansa ang 30th Southeast Asian Games, dapat doblehin ng awtoridad, partikular ang Philippine National Police (PNP) ang pagbabantay sa mga lugar na pagdarausan ng event. Ang ganitong sitwasyon ang inaabangan ng mga salot na Abu Sayyaf. Basta may makalingat, babanat sila sa pagkidnap. At kahiya-hiya kapag ang nakidnap nila ay atleta.

Walang kinikilala ang mga bandido na ang hanap lamang talaga ay pera. Wala sa kanila ang paggalang. Basta kikita sila ng pera, walang makakapigil sa kanila – ke mga atleta pa sila. At tiyak na mga dayuhang atleta ang kanilang pupuntiryahin. Sisiguruhin nilang may makukuha sa kanila.

Kamakalawa, na-rescue ng military ang isang negosyanteng Briton at kanyang Pilipina wife na kinidnap ng mga Abu Sayyaf noong Oktubre 4. Nakilala ang mga biktima na sina Allan Arthur Hyrons, 70, at kanyang asawa na si Wilma. Humingi ng P50 milyon ransom ang mga bandido. Ayon sa report, hindi nabayaran ang ransom. Napatay naman ng military ang 11 Sayyaf habang isinasagawa ang pag-rescue sa mag-asawa.

Ang pagkakapatay sa 11 Sayyaf ay malaking kabawasan sa mga salot. Dapat pang paigtingin ang paghanap pa sa mga bandido na ayon sa military ay nasa 1,000 na lamang ang bilang. Hindi na dapat patagalin pa ang mga ito. Ubusin ang Abu Sayyaf!

vuukle comment

ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with