^

Punto Mo

Pananagutan sa kasong kriminal, mawawala ba kapag pumanaw na ang nagreklamo?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Idinemanda po ako ng estafa at kasalukuyan na pong nililitis ang aking kaso. Nabalitaan ko kamakailan lang na binawian na ng buhay ang mismong nagsampa ng kaso sa akin. Madi-dismiss na po ba ang kaso ngayong wala na ang nagrereklamo?

Andy

Dear Andy,

Ayon sa Article 89 ng Revised Penal Code, ang mga sumusunod ang mga maaring dahilan ng pagkawala ng criminal liability o kriminal na pananagutan:

1. Pagkamatay ng convicted na akusado;

2. Pagsisilbi ng sentensiyang ipinataw;

3. Pagkakaloob ng amnestiya;

4. Pagkakaloob ng absolute pardon;

5. Kapag lumipas na ang panahong itinakda ng batas para sa pagsasampa ng kasong kriminal; at

6. Kapag lumipas na ang panahong itinakda ng batas para sa pagpapataw ng parusa sa convicted na akusado.

Mapapansin mo na ang pagpanaw ng private complainant ay wala sa mga nabanggit na dahilan upang mawala ang kriminal na pananagutan ng isang akusado. Hindi naman kasi isinasampa ang kriminal na kaso sa ilalim ng pangalan ng nagreklamo kung hindi sa ngalan ng “People of the Philippines.”  Samakatuwid hindi makaaapekto ang pagkamatay ng nagreklamo sa takbo ng iyong kaso, na magtutuloy-tuloy lang ang takbo.

Kadalasan nga lang sa mga kriminal na kaso, ang private complainant lamang ang tanging testigo laban sa akusado kaya sa huli ay acquittal din ang kahahantungan ng kaso kung wala na ang private complainant at hindi pa niya nailalahad ang kanyang testimonya sa korte at wala nang ibang ipineresentang ebidensya ang prosekusyon.

Kaya kung nagawa nang tumestigo laban sa iyo ng private complainant ay hindi dapat makaapekto ang pagkamatay niya sa takbo ng kaso mo. Kung hindi pa ay saka lang ito maaring maging dahilan ng iyong acquittal kung wala ng ibang ebidensiya laban sa iyo.

Sana’y nasagot ko ang iyong katanungan. Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang nakasaad dito ay batay lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon.

vuukle comment

KASONG KRIMINAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with