^

Punto Mo

Sugar Mommy (216)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PALIHIM na sinundan ni Jericho si Jane. Ingat na ingat si Jericho at baka makahalata si Jane. Ayaw niyang masira ang plano. Gusto niyang matupad ang misyon kung bakit ninais ni Jane na mamalagi sa lugar na ito. May malalim na dahilan kung bakit.

May limang minuto pang naglakad si Jane. Patigil-tigil ito sa paglalakad sapagkat mabigat ang bitbit. Kung hindi lamang lihim ang pagsubaybay niya, tutulungan na niya itong magbitbit pero tiniis niyang huwag magpakita rito. Saka na lang. Kapag natapos na ang misyon niya.

Nagulat si Jericho sa direksiyon na tinutungo ni Jane. Napakagandang lugar. Maayos ang pagkakadebelop. May isang magandang daan na sa magkabilang panig ay pawang berdeng halaman na namumunga ang nakatanim --- cacao, kape, lansones, rambutan at mayroon pang durian. Maayos na maayos. Sa kabilang panig ay mga saging na lakatan at latundan. May mga niyog din na mababa pero namumunga na at hitik na hitik.

Sa dako pa roon ay may isang sapa na malinaw na malinaw ang tubig. Kaya marahil napakaganda ng mga tanim ay dahil sa suplay ng tubig.

Mas lalong namangha si Jericho nang makita ang bahay na tinutungo ni Jane. Isang modernong kubo na hollow block ang dingding at kugon ang bubong. Napakagandang tingnan ng bahay na ang nasa paligid ay mga namumulaklak na mga halaman.

Nakita niya na may isang dalagita na sumalubong  kay Jane at kinuha ang bitbit na pinamili.

Pumasok ang mga ito sa bahay.

Ngayon ay alam na niya kung saan nakatira si Jane.

Maaari na siyang magsimula sa pagsubaybay.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with