^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi lamang bigas ang babaha, pati asukal

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi lamang bigas ang babaha, pati asukal

PATULOY ang pagdagsa ng bigas sa bansa dahil sa ipinatutupad na Rice Tarrification Law. Sa ilalim ng batas, maaari nang umangkat ng bigas ang kahit sino basta’t papasa sa regulasyon ng Department of Agriculture. Punumpuno ng bigas ang mga bodega ngayon at tila wala nang problema sa supply. Pero umiiyak naman ang mga local na magsasaka sapagkat napakababa naman ng pagbebenta ng kanilang aning palay. Luging-lugi sila. Hindi nila nasambot ang ginastos sa pagpapatanim. Puro utang sila ngayon. Kung dati ay naibebenta nila ng P14 bawat kilo ng palay, ngayon ay P9 bawat kilo. Nagtataka sila na mula nang ipatupad ang rice tarrification, bumagsak ang presyo ng palay at nalugi sila sa mga nagastos.

Pero hindi lamang bigas ang babaha kundi pati na rin ang asukal. Inaasahang mangyayari ang pagdagsa ng asukal sa susunod na taon. Isinusulong ng Department of Finance ang liberalization sa pag-iimport ng asukal para umano maibaba ang mataas na presyo sa pamilihan.

Ayon sa economic managers, nararapat na maalis ang mga restrictions sa pag-iimport ng asukal para madagdagan ang supply at kasunod nito ang pagbaba na ng presyo. Kapag nangyari ito, mapapalakas ang competitiveness sa sector ng food manufacturing.

Ayon naman sa National Economic Development Authority (NEDA, magsasagawa sila ng pag-aaral sa pinu-proposed na sugar liberalization sa susunod na taon kung nararapat nga bang ipatupad ito. Sinabi naman ng mambabatas na hindi nila hahayaang maipatupad ang sugar liberalization. Hindi umano ito makatwiran.

Mauulit ba sa asukal ang nangyayaring kontro-bersiya sa pagdagsa ng bigas sa kasalukuyan? Paano ang mga manggagawa sa azucarera? Paano ang mga sakada? Sa pagdagsa ng imported na asukal, ang lagi nang talo ay mga local manufacturer. Sino ang bibili ng kanilang produkto kapag bumaha ang asukal?      Pigilin ang balak na ito ng economic managers. Huwag pahirapan ang mga local manufacturers.

vuukle comment

ASUKAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with