^

Punto Mo

Sugar Mommy (215)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TITIG na titig si Jericho sa babaing nakita niya na bumibili ng karne. Hindi siya maaaring magkamali, si Jane iyon. Kahit medyo maikli na ang buhok nito at nagmukhang bata, makikilala pa rin niya. Napakaganda ni Jane. Bumata ito. Parang hindi past 60 ang edad. Parang 40 lang ito. Anong sekreto ni Jane at batambata ang itsura? Dahil kaya sa magandang klima rito sa Pinamalayan? O baka dahil nawala na ang problema ni Jane sa asawa mula nang mamatay.

Hindi siya magpapahalata kay Jane. Susundan niya ito at aalamin ang tirahan.

Nakita niyang tapos na itong mamili ng karneng baboy at baka. Maraming karne ang binili. Siguro’y supply para sa isang linggo.

Nakita niyang sa fish section naman ito nagtungo. Bumili ng lapu-lapu, blue marlin at tuna. Maraming binili. Siguro nga’y supply para sa isang linggo.

Matapos bumili ng isda ay nagtungo naman ito sa tindahan ng mantika, asukal, asin at iba pang panimpla.

Hindi gaanong lumalapit si Jericho at baka mapansin siya. Gusto niyang mailihim na narito na siya. Gusto niyang masubaybayan ang pamumuhay ni Jane.

Lumabas na ng palengke si Jane at tinungo ang paradahan ng traysikel. Sumakay ito sa nakapilang traysikel

Nang makaalis ang traysikel, sumakay din sa kasunod na traysikel si Jericho. Kinausap ang driver.

“Sundan mo ang traysikel na iyon. Ako ang bahala sa iyo. Babayaran kita kahit magkano.’’

“Opo.’’

Sinundan nila.

Makalipas ang 15 minutes na biyahe nakita ni Jericho na bumaba si Jane sa traysikel. Malapit na marahil ang tirahan .

Bumaba rin si Jericho sa traysikel pero pinakiusapan ang drayber na hintayin siya.

“Hintayin mo ako rito. Babalik din agad ako.’’

“Opo Sir.’’

Sinundan na ni Jericho si Jane. (Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with