^

Punto Mo

Pasaway na drivers, kakalusin na ng MMDA!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi lang pala  problema sa matinding trapik partikular  sa kahabaan ng EDSA ang kinakaharap ng pamunuan ng MMDA, maging ng LTO at law enforcement.

Sakit din ng ulo ang nabunyag na mga pasaway na mga bus driver  na sangkaterba ang mga paglabag pero patuloy na nakapagmamaneho.

Ibig sabihin, talagang kinarir na ng mga ito ang kawalang disiplina at hanggang sa ngayon ay patuloy na isinasagawa ang paglabag.

Ayon nga kay Jojo Garcia, general manager ng MMDA, bago magtapos ang taon  aabot sa 100 bus drivers ang kanilang susupendihin o tuluyang tatanggalan ng lisensiya matapos ngang madiskubre na patung-patong na ang traffic violations ng mga ito at sa kabila nga nito patuloy pa ring nakapagmamaneho.

Nadiskubre ring mahigit isang libong bus drivers ang sandamakmak ang traffic violations na sa kabila nito tuloy ang ligaya sa pagmamaneho.

Isa nga rito, alam ba ninyong mahigit sa 500 ang nakarekord na paglabag simula noong 2006 at ngayong taon lang may nadagdag pa ritong 24 na  violations.

Ang ganitong mga driver umano ay walang karapatang magkalisensiya at makadagdag sa problema sa mabigat nang daloy ng trapik sa mga lansangan.

Ayon sa RA 4136, kapag tatlong beses na lumabag sa iisang violations suspendido ang lisensya  ng isa hanggang dalawang taon.

Natuklasan din ng MMDA na lahat ng mga pasaway na drivers ay ganun at ganun din ang mga paglabag. Kadalasang binabayaran lang tapos hataw na naman sa ganon ding paglabag.

Ibig sabihin hindi nagbabago, kaya kailangan na maalis ang sungay.

Nakikitang suliranin dito, ayon pa sa MMDA ay ang kakulangan pa rin sa koordinasyon at computerized connectivity  ng mga ahensya. Dahil dito hindi agad nakikita ng LTO ang traffic violations ng mga nagpapa-renew ng lisensiya kahit pa sangkaterba na ang ito na mula sa 200 hanggang sa 500 paglabag ang iba.

Uunahin muna ng MMDA ang mga pasaway na bus drivers, susunod ang jeepney drivers at maging ang  pribadong motorista na mga paulit-ulit na pasaway sa kalsada.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with