^

Punto Mo

Bakit ayaw daw bigyan ng tulong ng gobyerno?

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI na mabilang ang mga senior citizen na lumapit sa aming action center. Ang iba, grupo-grupo pa kung dumating sa aming tanggapan.

Karamihan sa kanila, kung hindi pang-aabandona’t pang-aaway ng kaanak eh ‘yung pagtigil daw ng gobyerno sa pagbibigay ng ayudang pinansiyal.

Eto yung buwanang cash assistance sa mga senior citizen na walang kakayahang buhayin ang kanilang sarili’t wala nang kaanak na sumusuporta.

Pero dahil iyo’y isang prebilehiyo, hindi lahat ay entitled.  May mga pamantayang dapat sundin at regulasyong susundin.

Kamakailan, isang lola ang nasa aming tanggapan, inirereklamo niya ang Office for Senior Citizens Affairs (OSCA).

Nakailang beses na raw siyang pabalik-balik sa tanggapan ng OSCA pero laging denied ang kanyang request na financial assistance.

Ani Lola, matanda na raw siya’t hindi na kayang suportahan ang kanyang araw-araw na gastusin. Hindi na rin daw niya kayang magtrabaho dahil tanging sa kapatid niyang masahista na lang siya umaasa.

Tinanong ko si Lola kung magkano ang kinikita ng kapatid niya sa pagmamasahe, kuwento niya sa akin nasa P2,000 daw kada buwan ang kinikita nito. Hindi raw sapat pangbuhay sa kanilang dalawa.

Hindi na rin daw siya masuportahan ng kanyang mga anak at may kanya-kanyang mga pamilya na rin ang mga ito.

Dito pa lang nakita ko na kung bakit hindi siya naaprubahan ng OSCA. May kapatid at mga anak pa itong puwede siyang suportahan at buhayin.

Oo, pasok ang edad ni Lola pero hindi siya pumasa sa mga kuwalipikasyon at pamantayang sinusunod ng OSCA para sa mga senior citizens na dapat pagkalooban ng financial assistance.

Sa karanasan ng BITAG, 1 sa 10 lumapit ang nabibigyan lamang ng ayuda. Mahigpit at mabusisi ang proseso ng pag-iimbestiga ng DSWD at OSCA. Makailang beses na kaming nakasama sa kanilang field investigation at verification.

Malaki rin ang partisipasyon ng barangay. Bilang nakakasakop at awtoridad sa barangay, sila ang magpapatunay na ang isang senior citizen sa kanilang nasasakupan ay wala nang kakayang buhayin at tustusan ang sarili.

Maraming programa ang mga gobyerno para sa maliliit nating kababayan. Subalit may mga nakatakdang pamantayan ang mga ito para siguruhing ang mga tunay at karapat-dapat ang makikinabang.

Subalit minsan may mga dorobong umaagaw sa pagkakataon ng mga nangangailangan na matulungan. Ginagamit ang kapangyarihan o kahinaan ng sistema para palabasing sila rin ay salat at nangangailangan.

Kuwidaw, may alam ba kayo sa komunidad na ganitong aktibidades? Lapit kayo sa amin. sa BITAG, ilalantad natin ang mga nasa likod niyan!

vuukle comment

GOBYERNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with